(89)Ibat-ibang Klase Ng Reader

30 1 0
                                        


Version 101 ni Saichii:

1) Sana reader
- ito 'yong mga makikita mong taga-sana all sa comment box.
-ito 'yong mga gustong i-crushback din sila.
-ito 'yong mga single na umaasang magkakajowa din sila.
-kadalasan kahit 'di pa nababasa ang k'wento eh naki-uso na sa sana all.
-pangunahing reactor mo.

2) Mapanakit na Reader
-ito 'yong tahimik lang na nagbabasa tapos biglang mananapak at manghahampas ng katabi.
-ito 'yong basta makareact ng haha kahit sad ang k'wento at sad naman 'pag comedy.
-Kapag nainis sa kontrabida, bugbog sarado sa suntok ang katabi.

3) Comment First Reader
-ito 'yong mga comment bago basa.
-kadalasan sinabi nilang ang ganda ng k'wento tapos 'pag tinanong mo kung saan maganda, wait babasahin daw niya.
-ito 'yong madalas nakakalimutang mag-react.

4) Papansin Reader
-ito 'yong mga nagcocoment ng, crush back mo ako, ang ganda ko, pansinin mo ako kwash, pogi nito, mahalin mo din ako pabalik, rb5 pati na din sa puso ko. Oh 'di ba walang kinalaman sa story!

5) Emotionless Reader
-ito 'yong tahimik na nagbabasa sa isang sulok.
-kahit intense na ang scenes nagpipigil ng tawa o iyak.
-takot mabuking na nagbabasa ng mga smut stories.

6) Maingay na Reader
-walang paki' sa paligid niya, basta magbabasa siya.
-kadalasan fast reader.
-kulang na lang gawing talumpati ang binabasa.

7) Emotional Reader
-mababawa ang luha at kaligayahan.
-ramdam nila ang bawat eksena na feeling nila sila ang nasa k'wento.
-Sa Gabi nagbabasa with matching talukbong kumot sabay takip unan para hindi marinig nila ang hikbi, tawa pati ungol. Oops.

8) Mapa na Reader.
-maparaan basta matapos lang ang story.
-gagawin ang lahat, makapagbasa lang, pasimpleng hawak ng cp habang nagkaklase.
-'di mapipigilan kahit ratatat ng nanay
-Galawang ninja style kung magtago para magbasa.

9) Walang Reader
-Walang kain, walang ligo, walang tulog, kadalasan sila 'yong ayaw paistorbo. Walang tayuan whatever it takes, basta magbabasa sila.
- Loyal reader. Subaybay ang k'wento mo hanggang matapos.
-kadalasan maraming list sa library na gustong mabasa niya agad ang lahat.

10) Panirang Reader
-in short spoiler
-kahit hindi mo tinatanong, magk'wek'wento sila.
- Story teller, madaldal! Masarap palamunin 'to ng isang tabong siling labuyo.

11) Perfectionist na Reader.
-ito 'yong mga madalas mag-critique sa isang akda.
-bihira lang ang mga reader na ganito.
-it may be a constructive or even destructive ones.

12) Wri-Reader
- ito 'yong mga nainspire sa mga hinahangaan nilang author.
-nabitin sa k'wento kaya sila mismo ang nagsulat ng sarili nilang k'wento.
-In short, writer na reader pa.

13) Naligaw na Reader
-sila 'yong sumusulpot at biglang nawawala. Kailangan bigyan ng mapa ni Dora para mapabalik mo sila.
-ito 'yong scroll ng scroll tapos click hanggang sa malayo na ang narating nila.

14) Puro React na Reader
- Some of them purely react lang.
-May ilang nagbabasa pero kadalasan taga-react sila sabay scroll na ulit.
- Naglalabasan kapag unfriending na.

15) Silent Reader
-Sila 'yong mga nagstalk na pala sa atin pero 'di nagpaparamdam.
-Some of them just send a private mesg. to let the writer know na isa rin silang mambabasa.

16) Kwagong/Bampirang Reader
-naglalabanan sa palakihan ng eyebags.
-puyaters.
-tulog sa umaga, gising sa Gabi.
-Spg minsan ang genre nila.

17) Psycho Reader
-Sila 'yong mga gustong may pinapatay lalo na sa mga ex na niloko lang sila.
-craving for bloody murder
-More brutal killings makes them contented.

18) Genius Reader
-sila 'yong mga nakakahula ng plot ng storya.
-tipong isusulat pa lang ng writer, nangunguna na silang ikwento ang mga susunod na eksena.
-love mysterious stories and detective ones.

19) Illusionist Reader
-Sila 'yong mga pumapasok sa mundo ng isang k'wento.
-tipong makakatapak ka na ng tae pero ikaw nasa imaginary pa din na hinahalikan ka ng crush mo o isa sa mga jonaxx at possessive boys.
-Kailangan batuhin ng sampung bloke ng hallow blocks para magising sa katotohanan.

20) Kyut na Reader
-S'yempre flex ko din mga sampung reader ko. Idodown ko pa ba mga naging anak-anakan ko? Eh sa mana sila sa kakyutan ko, papalag kayo? Payt me!

21) Sharing Is Caring na Reader.
-share agad 'pag may panibagong nabasa, minsan nakakapagreact madalas hindi.
-Supportive ones.
-Minsan relate sila o nagandahan sa isang k'wento

22) Metioner/Tagger ns Reader
-Sila 'yong mga binubuking ang mga kaibigan lalo na pagdating sa kalokohan.

23)Panay Next na Reader
-ito 'yong mga nagcocoment ng next kahit one shot lang.
-Gustong mag-update agad si author.
-Mga palaging bitin.
-Minsan gusto nilang padugtungan lalo na kapag maganda ang plot. Part 2 hanggang maging isang dosenang kabanata na.

So anong k'wentong rebisco mo este anong klaseng reader ka?

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon