(29)Class Nomination

36 3 0
                                    


@atingbitterkyut

"Pasukan na naman hays!" maktol ni Josephine dahil boring ang first day of class.
Nasa classroom siya hinihintay magsimula ang kanilang klase.

"Good morning class!"

"Good morning teacher!"

"Today, we will have a nomination to be our class officers. Who wants to be a board member habang wala pang president na naka-assign?"

Tumaas si Yukihana Montemayor para maglead sa magaganap na botohan.

"Ok Yukihana, please proceed!"

"I'm Yukihana Montemayor stands as temporarily board member and I'll officially opening the nomination for the position as president. Any nominees?"

Tumaas ng kamay si Verllean, "Yes Ver?"

"I'll proudly and respectfully nominate, Josephine Joy Macaday as president"

"Ba't mo ko ninominate ha!" inis na sabi niya sa kaibigan na tumatawa pa.

"Thank you Ver, anyone?"

Biglang sumigaw si Gerald, "I'll object your honor!"

"Ha? Hindi pa naman siya nanalo, bakit tumutol ka kaagad? takang tanong ni Yukihana.

"Because I respectfully nominate Josephine Joy Macaday as the president and queen of my heart na siyang batas at minamahal ko."

I respectfully nominate her as vice president na makakatulong ko sa bubuuin namin na pamilya.

I respectfully nominate her as secretary na susulat sa k'wento ng aming pagmamahalan.

I respectfully nominate her as treasurer na mangangalaga sa laman ng wallet ko.

I respectfully nominate her as auditor na mangangasiwa sa mga gastusin namin.

I respectfully nominate her as P.I.O. na susuway sa aking mga kamalian.

I respectfully nominate her as Muse dahil siya ang pinakamagandang babae para sa akin at ako ang maswerteng magiging escort.

I respectfully nominate her as my future wife and no one has the right to object on my statement." sinabi ni Gerald habang nakatingin kay Josephine na pulang pula na.

"Okay I now pronounced you as husband and wife, you may now kiss the bride!" ganti ni Yukihana na kinikilig at nalimutan na ang botohan!

"Uyy si Bff, pulang-pula na sa kilig!" asar niya dito, "Kiss! Kiss! Kiss!" gatong niya pa.

Isang batok ang natanggap ni Ver mula Kay Josephine. Habang ang mga classmate niya ay patuloy na nagchachant ng "Kiss na yan!"

Naiinis naman ang guro nila na biyuda, "Kiss kiss ko kayo sa pader, botohan po tayo mga bata hindi landian! Hala back to nomination o lahat kayo detention?

–––

Landede sila eeenk!

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon