Louise Lain, one of the writers here on facebook. Masaya siya kahit na sobrang daming aspiring writers, may mga readers pa rin na nagbabasa at nakaka-appreciate ng mga gawa niya. Kadalasan nga hindi na niya mareplayan ang iba.
Then, nag-post siya ng patama sa mga writer, reader and to those shitposer,
"Totoo naman na 'di mahalaga ang reacts at dami ng readers mo, but kapag na-reach mo yan nakaka-overwhelmed sa pakiramdam. Masarap sa pakiramdam na may kusang sumisilip sa timeline mo daily. Masarap kung may readers ka na palaging naghihintay ng update ng stories mo.
As a writers hindi lang passion ang batayan sa pagiging inspired plus points lalo ang readers. Pero ang readers minsan mahirap hagilapin, karamihan ang iba sumusulpot na lang bigla, may kusa rin naman na nawawala.
Naniniwala din ako sa kasabihang–we writers don't accept rb's kaya galit ako sa mga shitposer na ganid sa reacts. Nakakabastos kaya sa 'min na writers 'yon! Mag-react ka kung nagustuhan mo ang isang story or post mo. Hindi yúng kapag nag-react sa 'yo ng isa, lahat ng post mo kailangan magrereact kami. As a shitposer layunin mo din magpasaya, pero sana hayaan mo'ng kusa nilang gawin 'yan." natawa ako sa post niyang 'yon.
So I posted, "Kung nag-rereact ka kasi sa pagmamahal ko, eh 'di sana tinantanan na kita!"
Isa rin ako sa tagahanga ng mga gawa niya, sadly galit siya sa 'min kaya naka-isip ako ng idea para mapansin niya.
Every updates niya nag-rereact ako ng "haha" sabay comment–rb mga lima. Sa wakas nag-chat siya sa 'kin, naiinis na siguro sa kakulitan ko.
"Hoy bishkwit ka! Bawiin mo na 'yang mga react mo sa mga post ko! Ikamamatay mo ba kung walang nag-react sa 'yo ha?"
"Oo ikakamatay ko, kailangan ko ng Rb mo!"
"Pishtea ka! 'Wag ka ng bumisita pa sa timeline ko ha!"
Natawa na lang ako sa reply niya, sabay post ko ng panibago,
"Kailangan ko ng mga react mo. Kahit angry ka pa sa akin, like pa rin kita.. Mali pala love na pala kita.. Gusto kitang mapa-haha at mapa-wow sa aking mga surpresa."
I stalked her always with same routine. Iniinis ko siya para mapansin niya at mukhang effective–kulang na lang i-report niya account ko sa sobrang inis niya.
So I chatted her, "Kapag handa ka ng mag-rb sa mga post ko, just feel free to visit my timeline.." 'don ko maranasang ma-seen.
"Buti pa chat ko na-seen mo, samantalang pagmamahal ko hindi pa!"
Yes, lahat ng shitpost ko ay about sa kanya. Hindi naman kasi shitpost 'yon, mga patama ko talaga sa kanya.
"Did that writer and shitposer have a happily ever after, forever?" tanong ng pinakamamahal na anak ko na si Shane.
Napangiti ako, "Kapag 'di ka tumigil sa pangungulit, forever mo'y masusungkit–finally nasungkit ko ang masungit na mommy mo."
"Ikaw 'yong shitposer daddy? I thought it was your invented story for me to sleep.."
"It's not Shane.. I'm not your mom na malawak ang imagination 'pag dating sa story kaya I just decided why not tell you our own love story?"
"Next please daddy!" excited na irit nito.
"Writers and shitposer have the same weakness–ang malaman ang real account nila. Kilala ko siya as a writer and also as a person–the thruth is we're bestfriends. No'ng gumawa siya ng writer account niya, I decided na gumawa din ako just to support her without her knowing. In short torpe si daddy sa personal at manhid naman ang mommy mo, fake man o real world.
Then one day she confessed to me na mukhang naiinlove na siya sa isa niyang readers–kung readers ba niyang maituturing ang mga shitposer. I decided to chat her right away, kahit na magkatabi kami assuming na ako nga ang tinutukoy niya."
"Titigil ako sa pangungulit, kapag bumisita ka sa timeline ko.."
"Arrgh fine! Bikswit ka talaga!"
Napangiti ako sa reply niya, agad naman akong narindi sa tili ng bestfriend ko, "Anong nangyari naman sa 'yo?"
"Look bff.. All of his shitpost is all about me. I'm not assuming hah! Ayan oh nakasulat pangalan ko every shitpost niya na magreact man lang daw ako," pinakita niya sa akin ang sarili kong timeline.
Natawa akong napailing, I chatted again her writting account, "I know sinilip mo na ang timeline ko.. I want to confessed to you my feelings personally.."
"Whoa! Paano mo naman gagawin 'yon ha?"
"Through video chat, is it okay to you? Then I will know if you're willing to react back on my feelings,"
"Sure!"
Itutuloy ko na sana ang k'wento ngunit pinutol ako ng anghel ko.
"Doon kayo nagkakilala ni mommy ng tuluyan. She love you back that's why i'm here!" palakpak na pagtatapos ni Shane, "Dad I'm sleepy.. thanks for the wonderful story.. I love you.. Please tell Mommy I love her too.."
"I will.. I love you too baby.."
Binantayan ko ang anak ko hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.
"Mommy loves you too baby.."
Yes, nagkatuluyan kami ng writer slash bestfriend ko, bumuo ng sariling pamilya at nagkaroon ng munting supling. There's no happily ever after, katulad sa mga genre ng k'wento niya–tragic ang ending.
My wife died 3 years ago figthing against cancer. Pero kahit gano'n masaya akong binigyan niya ako ng isang anghel.
"Louise, alam kong hindi ka naniniwala sa forever. But believe me, you're forever stucked in my heart, I love you.."
–
Maulang hapon sa lahat! 😂
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
AléatoireCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner