(106) Shooting Star Wishes

14 0 0
                                    


"Wish ko, magbuklod sana ang mga pamilyang pinaghiwalay ng pagsubok,"

"Wish ko, gumaling ang mga patuloy na lumalaban sa kanilang mga karamdaman,"

"Wish ko, maibsan ang kalungkutan nilang nararamdaman, gusto kong manumbalik ang kinang sa kanilang mga mata,"

"Wish ko, mahalin ka ng taong matagal mo nang inaasam. Sana mabigyang pansin niya ang iyong damdamin,"

"Wish ko, maging masaya ang mga tao sa kung anumang mayro'n sila. Makita nila sana kung gaano sila ka-s'werte,"

"Wish ko, magtagumpay ang mga mag-aaral sa anumang larangang tatahakin nila, they deserved it."

"Wish ko, magkaroon sila ng mga kaibigang makakasama nila kahit sa pinakapangit na yugto ng buhay,"

"Wish ko, sana ang mga buhay nila ay gano'n kadali. May ngiti kahit dumadaan sa pighati. Patuloy na umuusad kahit anong pagsubok pa ang dumating."

Simple lang ng mga wish ko, sana tuparin mo.

Simpleng hiling mula sa babaeng nakatanaw sa isang bintana.

"Tricia? Bakit para sa iba ang mga wish mo? How about you?"

"Self, I'm fine. Feeling ko mas kailangan nila ang mumunting hiling ko kaysa sa akin."

"Why so selfless, Tricia?"

"I'm not. I don't need those wishes self.."

"Why Tricia?"

"Because all I need is a prayer. A prayer is more powerful than anything. Through prayer I am connected to Him. Sometimes wishes can't come true but in prayer, nothing is impossible."

"Oh, Tricia, I prayed for your family, let them be safe–kahit na iniwan ka na, mahal mo pa din sila. Heal all of your wounds–lalo na sa puso mo na paulit-ulit na nasaktan. I prayed that your smiles won't fade away–'wag mong tanggalin ang kinang sa kanyang mga mata. I prayed for you, be strong–kahit na mahirap, lumaban lang. You're not alone, He's with you. Trust Him. He will never let you down."

I smiled to myself as I watched the beauty of meteor shower.

"I prayed all wished, do come true."

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon