(75) Bumagsak Ako

13 1 0
                                    


Card Showing namin ngayon, isa sa kinakatakutan ng isang estudyanteng katulad ko.

Kinakabahan ko'ng sinilip ang card ko. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko, may tumataginting na palakol na grado sa math.

Nanlumo ako bigla, bakit ba kasi paulit-ulit na pinapahanap si siraulong x na mang-iiwan at mahilig magtago. Samantalang jowa nga wala ako, x pa kaya? Insulto sa mga single na katulad ko na taga-sigaw ng sana all at walang poreber.

Pero 'di pa rin lulusot ang drama ko kay madir na alam ko'ng mag-uusok na naman ang ilong. Anong magagawa ko, manhid mga crush ko? Eh di sana may jowa na ako!

"Bagsak ako!" isinigaw ko sabay fake ng iyak.

Hanggang sa may narinig akong nagsalita, "Ako din bumagsak Jean Henesey.."

Pagtingin ko, crush ko ang nagsalita na si Jayson.. Ohemgi! Is this forever? O aasa na naman ako?

"Ang hirap pag na fall! Huhu.." sabi ko na lang dito.

"Oo nga, sobrang hirap.."

"Patay na patay na nga ako sa 'yo este patay ako nito sa magulang ko!" banat na bawi ko dito.

"Ako din patay na patay sa 'yo.. Matagal na.."

"Matagal na pa–"

Napahinto ako sa sasabihin ko..

Realizing..

Loading..

Processing..

100% Complete!

Kailangan ko na ba magsisigaw sa kilig? Finally nahulog na din sa akin crush ko?

"Seryoso? Talaga as in? Walang halong charot yan?"

"Yeah.. so tayo na ba?"

"Abuh! Hindi porket crush kita, jowa na agad kita! Ligaw muna ha!" isa akong dalagang pilipina at pakipot.

"Buti sana kung niyaya mo akong pakasalan at maging asawa, papayag pa ko.." mahinang bulong ko na narinig niya pala.

"Sige tara sa altar, sabay nating sabihin ang I DO! Game?"

"Joke lang naman! Tara sa bahay sasabihin ko kila Mama at Papa, bumagsak ako!"

"Hindi kaya malagot tayo sa magulang mo?"

"Eh 'di double kill ako! Bagsak na sa math, bumagsak pa sa 'yo!"

Ngumiti na lang siya sa kalokohan ko. Ang mahalaga kami na! Sana all 'di ba?

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon