(71) Dear Society

22 0 0
                                    

Dear society,
Why so unfair? Do I deserved all of this? There's always a problem after a problem. I'm not strong to conquer it all. Life is so unfair. I can't endure this  pain, please take this away..

I was just an ordinary kid before–Full of life, full of hope.

Pagsapit ng umaga, bunganga ni Mama ang gigising sa 'yong paghimbing.

"Aki! Tanghali na bumangon ka na! Abuh mapapaos na lang ang manok sa kakatilaok magising ka lang!" sermon ni Mama sa kamumulat pa lang na ako.

"5 more minutes ma.."

"Babangon ka na d'yan o bubuhusan kita ng malamig na tubig?"  Nakapamewang na silip niya sa akin.

"Oo na po ma.."  agad na akong bumangon kahit inaantok pa.

Daily routine na ni Mama ang sermon bago mag-almusal.

"Ma, can I play outside?" tanong ko pagkatapos kong kumain.

"Maghugas ka muna ng pinggan at maligo ng maaga bago maglaro. Please no more buts!"

"Fine ma!"

Kailangan mo sundin noon ang magulang mo, para makapaglaro ka lang at maiwasan ang palo.

"Hey Aki, play tayo nito ngayon ha?" sabi ng bestfriend kong si Pat.

Tumingin naman ako sa mga dala nito–Barbie, Doll House at mga cooking toys agad akong napangiwi.

"Ano ka ba Pat, alam mo naman na ayaw ko n'yan di ba?"

"Eh anong gusto mo.." malungkot na tanong nito.

Tumingin ako sa mga batang masayang naglalaro sa kalsada sabay nguso sa mga 'yon, "Gusto ko ng sipaang bola!" mukha kasing sobrang sayang laruin.

"Alam mo'ng magagalit si Tita at Tito 'di ba?"

"Oo nga pala.." malungkot ko'ng saad.

"Dress up na lang natin sila Barbie o kaya let's draw new clothes for them para maging model sila ngayon! Exciting rigth?"

Tumango na lang ako sa suggestion ni Pat. Unlike other kids, I can't play extreme activities because i'm sick. Bawal akong tumakbo ng mabilis, hindi kakayanin ng katawan ko. How I love to play those games. Gusto ko tumakbo maghapon sa labas. Sumipa ng bola hanggang makaabot ito sa malayo. Gusto kong maging malayang bata na bumilad maghapon sa arawan kasama ang mga kaibigan ko. But sadly, I can't. That was my daily routine.

Nalaman kong one week mawawala si Pat, lalo akong nalungkot–wala na akong kalaro. Nakasilip na lang sa labas habang nanonood sa naglalaro, tumatawa mag-isa kapag may isa sa kanila ang nadapa. Naiinggit ako sa kanila kaya naisipan kong sumali at makipag-kaibigan sa kanila.

"Hi, p'wedeng makisali?" hiyang sabi ko sa mga bata.

"Shure!" sabi ng isang lalaking bungi ang ngipin, "Dito ka sha team namin ha! Ako nga pala si Ashton, ikaw?"

"Aki.." masaya akong may makilalang bagong kaibigan.

"Aki, galingan mo sha pagshipa ha, buhayin mo kami!"

"Ilang sipa ba ang kailangan kong gawin?"

"Shampu!"

"Anong shampoo?" biro ko dito.

"Aish, 'to bilangin mo!" sabay pakita ng sampung daliri niya sa kamay na ikinatawa ko pa.

"Uy, 'wag ka na magalit.. Binibiro lang kita, sige bubuhayin ko kayo!"

Ngunit halos naka-limang sipa pa lang ako ng maramdaman ko na hinahapo na ako.

"Hey Aki, ok' ka lang?"

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon