Nandito kami ngayon sa park. Nakakabagot pala ang pagsama sa dalawang taong naglalandian, worst sa harapan mo pa.
Yeah! 3rd party, 3rd wheel o mas mabuting sabihin natin na chaperon lang nila.
They're both my bestfriends. Let me tell you a love story, I fall for him, but he fall for her and she feels the same and they live landian ever after.
Yes I give way, for the friendship lalo't alam ko na wala akong laban sa pagmamahalan nila. Ayaw ko naman maging kontrabida, siguro mas ok na 'yong bitter na lang. Darating din siguro ang tamang lalaki sa akin.
"Hey Blaze, bakit nand'yan ka?" sigaw ni Jenny.
"Yeah, halika dito! Maraming pagkain!" sigaw ni Rick.
"I'm fine here! Makakasira lang pati ako sa landian niyo d'yan! Hiyang hiya naman ang kyut na ako 'di ba?"
Nagtawanan lang ang dalawa sabay balik sa harutan nila.
Hanggang sa may umupo sa katabi ko..
"Sana ako na lang ang minahal mo, eh 'di sana hindi ako nagmumukmok sa isang tabi .."
Napatingin ako sa batang tumabi sa akin. Buti na lang may librong hawak ito, kundi iisipin ko'ng nang-aasar lang ito.
Muli ko'ng pinagmasdan ang dalawa ko'ng kaibigan nang muli itong magsalita.
"Ano ba ang wala sa akin na mayroon sa kanya?"
Yeah. Halos lamang pa nga ako kay Jenny eh.
"Nandito rin naman ako palagi sa tabi mo.."
Oo nga naman, ako pa nga lagi ang kasama mo Rick..
"Pero bakit siya pa ang minahal mo?"
Bakit nga ba? Bakit hindi na lang ako.. Wait! There's something wrong here.. Why do I feel na hindi lang nagbabasa itong bata na 'to! Napatingin akong muli dito..
"Bakit ka po nakatingin Ateng Single?"
Abat! 'Raulong bata ito! Ipamukha ba naman status ko.
Ngumiti ako ng pilit, "Ako si Blaze, at hindi ako si Ateng–"
Naputol ang sinasabi ko ng sumabat agad ito, "Single ka naman talaga ah?"
Namumuro na 'tong bata! Isa na lang isasako ko na 'to!
"Single ako kasi walang poreber!"
"Mali! Single ka kasi wala ka namang lover. Single ka kasi bitter ka. Single ka kasi–"
"Stop! Oo na! Ako na single, happy?"
"Yeah! I'm Ersia po pala Ateng Single!"
"Hindi ko tinatanong! And my name is Blaze! Ate Blaze!"
"Okay Ateng Single! Noted!" at muli nitong ibinalik ang atensyon sa librong binabasa.
Argh! This child! Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagbukas ng social media accounts ko.
"Ersia! Hays salamat nahanap na kita! Alam mo ba na kanina pa ako nababaliw kakahanap sa 'yo! Nandito ka lang pala–"
"Chill Kuya Sungit! I'm just reading here! Can't you see?"
"Aba't napakagaling mo magbasa ng baliktad–"
D'on ako napatingin sa dalawa, "Wait did you say baliktad?"
Grrr! I thought this child is just reading aloud!
"Ooops! I think i'm doomed!" biglang tayo nito at akmang aalis na nang magsalita ulit ito, "Nga pala meet Ateng single kuya! At siya pala si Kuyang Sungit ate! Pareho kayong walang jowa kaya bagay kayo!" kumaripas na ito ng takbo!
"Hoy bata!/Ersia!" sabay na tawag namin.
Napatingin naman ako sa Kuya no'ng bata na saktong nakatingin na din sa akin. Infairnes gwapo nga! Hays! 'Wag lumandi self!
"Ahm miss.. pasens'ya na kung anuman ang nasabi ng kapatid ko o ginawa sa 'yo.."
"Ok lang, no harm done naman.."
Ipinamukha lang naman ng kapatid mo na single ako! Gusto ko sanang sabihin dito kaso 'wag na lang.
"By the way, i'm Nathan.."
"Blaze.." tinanggap ko na din ang nakalahad na kamay nito.
"Kuhain mo na agad number kuya! 'Wag mabagal at torpe!" sigaw sa malayo ni Ersia na ikinapula naman ni Nathan.
Napatawa na lang kami ni Nathan sa kapilyuhan ng kapatid niya..
10 Years later..
"Pasaway na Ersia, muli tayong nagkita.. Ooops! Kahit 'di ka na muna magsalita.. I'm here to thank you.. for everything.. Thank you dahil nakilala kita at nakilala ko ang kapatid mo. Siguro naman masaya ka na, pareho na kaming hindi single ng Kuya mo.. We finally married, sayang nga lang hindi ka na nakapunta.. And I have good news for you.. Congrats! You're soon to be auntie na! Yes, i'm one month pregnant now."
"Hey hon! Tara na sa check up mo? Bye lil sis, balik kami mamaya, pacheck lang natin ang soon to be pamangkin mo ha.."
Napangiti ako at bumulong sa hangin, "Thank you my little Cupid!" sabay hawak ng puntod niya.. "
"Why a sudden visit hon?"
"This is the date when I met her and met you also. Nalaman ko rin sa date na 'to na nagdadalang tao na pala ako.. Coincidence blessings right?"
"This date is blessing indeed. Hey, what did you say to her?"
"Saying thank you and the good news?Thanking her kasi nakilala kita.."
"Yeah thanks to her.. kahit na masyadong pasaway.."
"Yeah! Sobra!"
Napatawa na lang kami. Behind her kakulitan is a little warrior na lumalaban sa kanyang karamdaman. She's also our little cupid, and I know she's now our guardian angel.
——
Ugh? Feeling ko magulo din 'to? 🙄
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner