Nakatayo ako sa napakaraming tao ngayon. Hinihintay ang bawat sasabihin ko. Isa-isa ko silang tiningnan. Kasama namin ang malalapit na pamilya, kaibigan, guro, mga kaklase, at kapwa kamag-aral mga kapit-bahay at ang iba sa kanila ay 'di ko na kilala. Bawat isa sa kanila tila malalim ang iniisip, may 'di makapaniwala at may mga hilam sa luha. Lahat kami ay nagtipon para sa pinakamamahal naming si Nene.
"Maraming salamat sa inyong pakikisimpatya at pagpunta sa huling araw na ito." Panimula kong bati
"Naririto ako sa inyong harapan para ihandog ang isang tula na siya mismo ang may likha." kaya ko itong basahin sabi ko sa isip ko
Lahat sila ay tahimik na nakikinig at nakatuon lamang sa bawat buka ng aking bibig
"Ang tulang ito ay pinagawa sa buong klase namin. Ang paksa nito ay "Kung ikaw ay mamamatay na bukas, anong huling mensahe mo sa lahat ng mahal mo sa buhay?" Marami sa amin ay puro kalokohan ang isinulat, pero si Nene lang ang nagsapuso nitong paksa.
Lahat sila ay tahihik at hinihintay nang marinig ang tula. "Kaya ko ito para sa kanya, gabayan mo ko para mapaunawa ko sa kanila." bulong ko sa hangin. Nagsimula na akong bigkasin ang mga kataga.
"Huling Mensahe"
Bukas mamamatay na ako,
Nakakatakot man na isipin pero maaaring magkatotoo
Ayoko man na mamatay
Pero alam kong hiram lang ang ating buhay
"Hindi ko akalain na magkakatotoo. Sana sinabi ko na din lahat nang nararamdaman ko. Sana sinulit ko yung huling araw na kasama ka. Sana hindi kita hinayaang mawalay sa piling ko."
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula
Napakarami kong nais gawin pa
Ayokong maiwan ang mga mahal ko na may luha sa kanilang mata
Nais ko pa silang makitang tumatawa
"Napakataas nang mga pangarap mo. Mga pangarap mong 'di na matutupad pa. Paano pa kami tatawang muli kung iniwan mo na kami. Ngayon kami'y hilam sa luha na patuloy na naglalandas sa aming mga mukha."
Subalit kung ito'y kalooban ng ating Diyos
Ako'y taos pusong susunod sa kanyang utos
Sana manatili kayong maniwala at manalig sa Kanya
Lahat ay may magandang dahilan dahil siya ang makapangyarihang lumikha
"Oo sinisi ko ang nasa taas . Bakit siya pa ang kinuha mo? Marami naman ang may halang na kaluluwa ba't hindi sila ang unahin mo? Bakit? Anong magandang rason mo para gawin sa amin ito. Bakit Isa pang napakabait na tao ang pinili mo makasama sa piling mo"
Iniisip ko kung ano kaya ang dahilan ng kamatayan ko
Sana 'wag naman yung magpapahirap sa mga maiiwan ko
Sana madali nilang matanggap na wala na ako
Makita sana nilang pumanaw ako ng may ngiti sa labi
Sa wakas nasa piling na Niya ako , nayakap ko siyang muli
Hindi ko na mapigilan ang luha ko sa huling saknong. Lahat sila ay mga hilam na sa luha wari'y sinariwa nila sa isipan ang mga nangyari
--Flashback--
Pauwi na si Nene galing sa kanilang praktis. Pagod man ay uuwi pa rin siyang may ngiti. Lider siya rito at tunay na napakahirap magturo lalo't matitigas ulo ng kanyang mga miyembro.
Naglalakad siya sa isang madilim na eskinita . Gabing-gabi na kaya naisipan na niyang sa mas madaling daanan patungo sa kanila. Hindi na siya nakinig sa payo ng magulang niya na "kahit anong mangyari sa mas malayong daan ang piliin mo, dahil sigurado kang ligtas at marami ang iyong kasabay." Kaso dahil sabik na siyang umuwi mas pinili niya ang "shortcut" papunta sa kanila.
Madilim at makipot ang daan , wala rin siyang kasabay at namamatay pa ang mga ilaw sa poste. Hindi niya alintana na kanina pa pala may nakamasid at sumusunod sa kanya.
Naghihintay ng tamang tyempo para madagit ang bibiktimahin. Sa kasamaang palad, siya ang naging biktima nito. Biglang may nagtakip ng panyo sa kanyang ilong at may nakatutok na patalim sa kanyang tagiliran. Nais man niyang manlaban kaso nawalan siya nang ulirat.
Nang magkamalay nakagapos na siya sa isang papag. Madilim ang paligid dahil siya'y nakapiring. Hindi siya makasigaw dahil may na nakabusal sa kanyang mga bibig.
Alam niyang 'di siya nag-iisa , naramdaman niyang gumalaw ang higaan. Unti unting papalapit sa kanya. May humaplos sa mga binti niya. Gusto niyang sumigaw, humiyaw nang malakas, "tulong.. tulong.. natatakot na po ako." Unti-unti nitong pinunit ang mga kasuotan niya hanggat wala nang matira.
Hindi niya magawang umiwas, tanging hikbi nalang ang tanging nagawa niya. Habang walang sawang binababoy ang katawan niya ng isang taong may halang na bituka.
Naisip niya ang mga mahal niya sa buhay. Tiyak na nag-aalala na ang mga ito. Mukhang natapos na ang lalaki at nagsawa na sa katawan niya. Siguro naman ay pakakawalan na siya nito. "Nakuha mo na ang gusto mo, pauwiin mo na ko. Nag-aalala na sila sa akin" gusto niyang sabihin rito. Ngunit kakaiba ang ngisi ng lalaki , may naiisip pa na masamang balak sa kanya.
Naramdaman niya itong umalis sa tabi niya. Parang may kinuha at kinutingting kung saan man. Bumalik ito sa tabi niya, hanggang sa may maramdaman siyang sakit sa kanyang sikmura.
Paulit-ulit itong ginawa sa kanya. Ilang saksak pa ang natamo niya, kinakapos na siya ng hininga. "Maaari bang humiling, 'wag mo ipagdamot ang labi ko sa mga mahal ko. Nais kong muling makapiling ang mga mahal ko kahit sa huling labi ko sa mundong ito" gusto niyang sabihin dito. Ramdam niya nang huling saglit niya na ito, pabagal ng pabagal pintig nang puso niya. Hanggat sa siya'y napapikit na at tuluyang napugto ang hininga.
---
"Sampung araw ang lumipas, bago namin natagpuan ang malamig mong bangkay. Puno nang saksak at ika'y pinagsamantalahan pa. Pighati, galit, panghihinayang ang ilan sa mga naramdaman namin. Bakit sayo pa nangyari ang ganito? Sinong masamang tao ang maaatim na gawin ang mga bagay na to"
Kung bukas na ang aking kamatayan
Simple lang ang mensahe sa mga mahal kong iiwanan
Manatili kayong masaya sana
Babantayan ko kayo kahit saan ako mapunta
"Magiging magaan lang ang loob namin kapag nagbayad na ang may sala. Kahit anong parusa pa ang ihataw sa kanya ay aming ikakatuwa. Masakit man na wala ka na dito sa mundo mananatili ka pa rin sa mga puso namin."
Kasabay ng pagpatak ng mga luha namin ang piping dasal na makamit ang hustisya
--------
--sa mga rape victims na hindi na bibigyan nang angkop na hustisya. Ang masama pa sa iba ay hinalay na nga pinatay pa . Nakakatakot na nowadays na umuwi ng Gabi , hindi natin alam baka tayo na ang sunod na mabiktima.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner
