@atingbitterkyut"Jane wait!"
"Ano na naman Axis?"
"Let's play bingo!"
"Seriously Axis? What's on your mind?"
"I'm dead serious–lalo na sa 'yo" dugtong niya sa isip niya, "Maglaro ng bingo ang nasa isip ko–malamang ikaw na naman,"
"Argh fine, pero after this 'wag mo muna akong kulitan ha!"
"I can't promise," sinamaan siya ng tingin nito, "but I'll try, so let's start?"
"Wait, sino announcer?"
"S'yempre ako!"–ako ang magtatapat sa 'yo.
"Fine!"
"Sa letrang B, bagay tayo sa numerong dalawa na magsama!"
"Abat–" bigla siyang dinampian ng halik sa labi na nagpatahimik sa kanya.
Pinagpatuloy ni Axis muli ang pagsasalita ng tumahimik ang dalagang pulang-pula sa ginawa niya.
"Sa letrang I, Ikaw lang ang babaeng mahal ko. Numero una sa puso ko Jane,"
"Sa letrang N, Natatakot akong mawala ka pa sa 'kin kaya nagtapat na ako. Dahil baka sa numerong sampu, lumakad ka palayo."
Sa letrang G, gagawin ko ang lahat ng gusto mo, ibibigay ko lahat basta't kaya ko. Sa numerong lima, 'wag ka na sanang maghanap ng iba!"
Sa letrang O, Oo mo ang matagal ko nang hinihintay, makakamit ko na ba ang panalo ko sa bingo sa numerong singkwenta kahit abutin tayo hanggang nobenta ay tayo pa hanggang sa pagtanda."
Nanatiling tahimik si Jane na tila mabagal na nagproseso ang lahat ng sinabi ng binata sa kanya.
"Sabi ko nga, hindi lahat ng naglalaro ng bingo mas'werte! Sinunggaban ko lang ang pagakakataong maglaro at umamin sa 'yo. Maluwag kong tatangapin ang desisyon mo."
Tumalikod at humakbang ng paunti unti si Axis, "Paalam mahal ko, alam kong wala akong panalo sa puso mo.."
Natauhan naman si Jane, "Axis sandali!"
"Hmmn?"
"Nakuha mo ang bingo, oo daw sabi ng isip ko at panalo ka daw sa puso ko!"
Agad na niyakap ni Axis si Jane, at nagsisigaw siya, "Nanalo ako sa bingo, wala kayong balato dahil akin lang ang mahal ko!"
–––
Korniko di ba! Bakit ba kasi puro bingo ang nasa newsfeed ko? Anong meron aber? Share niyo naman pashnea!
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner