May nakapagsabi sa akin na kapag humiling ka daw sa buwan magkakatotoo ito, basta itapon mo lang ang pinakaimportanteng bagay na nasa iyo.
"Totoo kaya iyon, ano bang pinakamahalagang bagay ang mayroon ako?" tanong ni Ciel sa kanyang sarili.
Then parang light bulb, naisip niya ang kwintas na pendat na pamana pa sa kanya ng mama niya.
"It is really important to me, so I guess pagbibigyan ni ateng buwan ang hiling ko" she wished then inihagis niya kung saan ang pendant niya.
Umaasa siyang magkakatotoo ang hiniling niya. At natulog siyang may ngiti sa labi at puno ng pag-asa.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog may narinig siyang kaluskos sa kanyang banyo.
"May nakapasok ba sa cr ko, pero nilock ko naman ang pinto kanina ah? takang tanong niya sa sarili.
Minabuti niya nang gumising at tingnan ang lapastangang pumasok sa bahay niya at nasa kwarto pa niya na naglakas-loob makigamit ng cr.
Kinuha niya ang lampara at dahan-dahang naglakad papuntang banyo. Nakaamba ito at inilawan ang banyo ngunit nagulat siya sa kanyang nakita. Isang matipunong lalaki na nakasuot pa ng lumang kasuotan ang bumungad sa kanya. Mangha nitong pinaglalaruan o kinakalikot ang flash sa toilet bowl.
"Sino kang magnanakaw ka at naisipan mo pang gumamit ng banyo ko?" sigaw niya dito ng mahimasmasan sa nakita, napakagwapo ba naman kasi nito kaya pinagmasdan muna niya ang kabuuan nito.
"Patawad binibini sa aking kapahangasan ngunit hindi ko din alam kung bakit ako dito napadpad" pagsasalita ng gwapong lalaki.
"Infareness isa ka bang makatang magnanakaw, pero hindi mo ako mabubudol d'yan, style mo bulok." inis na sabi pa niya, ngunit tila namangha siya sa mga salitain nito.
"Patawad binibini ngunit ano ang iyong salitang binigkas, infareness–style at sino ang bulok?" nagtataka at inamoy-amoy pa ang sarili.
"Nagpapatawa ka ba mister? Hindi sakin effective yan" sabi ni Ciel dito na nagpipigil ng tawa dahil sa katangahan ng lalaki. "Gwapo sana kaso mukhang kinulang sa isip" sabi niya pa sa isip niya.
"Gusto ko man makita na ika'y nakangiti ngunit ako'y tunay na sinsero sa aking katanungan binibini, effective–ano ang mga katagang iyong binaybay?" naguguluhang tanong nito.
"Mister isa nalang talaga maniniwala na ako na taga-ibang lupalop ka ng daigdig." inis na turan niya dahil napakagaling nitong umarte.
"Ngunit bawat katagang minumutahi ko ay pawang katotohanan binibini. Maaari ba akong magtanong sa 'yo, kung iyong pahihintulutin?" seryosong sabi nito habang nakatitig sa kanya.
"Hulaan ko itatanong mo kung paano lumabas dito" sarcastic na sabi niya, naiilang siya sa mga titig nito.
"Paano mo nalaman ang laman ng aking isipan, tama ang mga sinabi mo binibini" manghang sabi pa ng lalaki.
"Wtf! Ako ba'y pinagloloko mo ha?" inamba niya ang hawak na lampshade "hindi talaga ako madadala sa acting mo" galit na sabi niya dito.
"Nagsasabi ako ng pawang katotohanan binibini, hindi ako isang taong mapanlinlang, wtf–acting kakaiba ang iyong mga salita binibini, masyadong malalalim na hindi ko alam ang kahulugan" tugon naman ito.
"Tss why are you here in my own room aber?" masungit na saad niya.
Ngunit parang tangang nakatingin lang ito sa kanya na hindi talaga naintindihan ang sinabi niya.
"Arrgh fine tatagalugin ko! Bakit ka ba naparito sa loob pa ng silid ko?" inis na ulit niya.
"Hindi ko din alam binibini, pagmulat ng aking mata ay ito na ang bumungad sa akin at bigla ka nalang dumating na nagsasalita ng mga matalinhaga" paliwanag ng lalaki.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner