(111)Isumbong Mo Kay Tulfo

68 1 0
                                    


Sa sobrang inis ko sa crush ko, naisipan ko nang gawin ang pinakamatinding aksyon–ang isumbong kay Idol Tulfo.

"Idol tulfo, hindi ko na kaya ang pagmamaltrato at pagsasawalang bahala sa akin." agad kong chat sa idol  ko.

"Maaari po kayong magsadya sa aming tanggapan o di kaya'y magpadala ng inyong representative para sa agarang aksyon sa inyong problema. Bukas po kami mula Lunes hanggang Biyernes 9AM - 3PM sa TV5 Media Center, Mandaluyong City." agad nitong tugon sa sumbong ko.

"Si crush kasi hindi ako pinapansin for almost a year ko nang nagpapapansin. Hayaan mo bukas na bukas din, dudulog ako sa inyong tanggapan." dagdag ko pa at desididong pupunta bukas sa kanyang tanggapan.

Kinabukasan...

Maaga akong umalis ng bahay, balita ko sobrang haba ng pila sa tanggapan ni idol Tulfo.

Hindi nga ako nagkamali, sobrang haba nga ng pila kaya sa sobrang inis ko napasigaw ako bigla, "P'wede ba? Paunahin niyo po ako mga kapwa ko tao! Napakalaki ng problema ko sa buhay ko, nakasalalay rito ang kapakanan ko sa hinaharap!" sabay lupasay ko sa kalsada kasabay ng kunwaring palahaw ko.

Agad naman silang naawa sa 'kin, nagbigay sila ng daan para paunahin na akong pumasok sa opisina ni idol. I knew it, i'm also a best actress.

Akala ko makakausap ko na si Idol, pero hindi pa pala, madami pang pasikot sikot at mga papeles na pinapapirma. Inip na inip na ako!

"Uunahin niyo pa ba 'yan mga kaartehan niyo kaysa sa problema ng tao!" iritableng reklamo ko sa kanila.

"Ok na miss. Ikaw na daw isasalang sa on air ni Sir."

Agad akong napangiti, akala ko kakausapin lang ako ni Idol, hindi ko inakalang maipagsisigawan ko on air ang matagal ko nang problema.

"Oh ngayon, may makakausap tayo sa kabilang linya. Pakinggan natin ang kaniyang hinaing o idudulog. Hello, Ms. Sam Lorraine Ocampo?"

"Yes idol Tulfo?" napatili agad ako nang marinig ko ang boses nito.

"Hey, akala ko ba may problema ka? Ba't ka nagtitili d'yan? May nangyayari ba sa 'yo?"

"Wala naman po idol Tulfo, kinikilig lang ako kasi nakausap kita." sabay tawa ko pa.

"I want to talk to you further but let's proceed to your problem."

"Oh that."

"Handa akong makinig kung anoman ang iyong problema."

"Ganito kasi 'yon..." bigla akong sinapian ng hiya kaya hindi ko kaagad nasabi ang pinakamahirap na problema ko.

"Sige sabihin mo, 'wag kang matakot ilabas kung anoman ang bumabagabag sa 'yo. Kasama mo ako at ang ating mga tagapakinig."

Naglakas loob na akong sabihin, "Kasipo'yongcrushkohindinagcrushbacksaakineh!"

"Ano? Paki-ulit, hindi malinaw ang iyong problema."

"Kasi po idol Tulfo, 'yong crush ko hindi nag-crushback sa akin eh! Biruin mo, isang taon ko na siyang gusto pero baliwala sa sobrang manhid niya."

Natahimik naman ang kabilang linya.

"Hello idol Tulfo? And'yan pa ba kayo? Matutulungan n'yo po ba ako?"

Napabuntong hininga muna si idol bago magsalita, "Hays! Mga kabataan ngayon puro crush at jowa na ang matinding problema. Ano ba ang pangalan niya at contact number?"

"Keiro Santos po, 09299... Kayo na po ang bahala sa future asawa ko. Kasi idol Tulfo, gusto ko nang sumuko sa kanya. Feeling ko wala akong pag-asa."

Habang nagdradrama pala ako, tinatawagan na ni idol ang matagal ko ng crush na si Keiro.

"Hello! Is this Keiro Santos?"

"Yes, sir. Why?"

Agad akong nanahimik at nakinig sa magiging usapan nila.

"This is Raffy Tulfo, may isang tao kasi na nagrereklamo patungkol sa 'yo."

"Huh? Wala naman po akong nagawang gulo o kasalanan sa isang tao ah?"

"D'yan ka nagkakamali iho. Kailangan mong panagutan ang babaeng—"

"Wait! Idol Tulfo, wala akong nabuntis, wala akong ginalaw na kahit isang babae. Isa pa, kahit lalaki ako, virgin pa ako."

"It's not what you think."

"Ano po pala?"

"Do you know a girl named, Sam?"

"Yes. What about her?"

"Matagal ka na daw niyang crush pero hindi mo daw sinusuklian. Kasalukuyan siyang nanahimik sa kabilang linya ngayon."

"What! Ikaw Sam ang may pakana nito?"

"Hehe. Hello, crush!"

"Alam mo na na on air tayo? Tapos pati kabaliwan mo sa 'kin, isinumbong mo pa kay idol Tulfo?"

"Sorry na crush. Kasi naman, hindi mo ako pinapansin lalo na ang aking damdamin. Alam mo ba na ikaw lagi ang laman ng isip ko? Imbes na, "Dug! Dug! Dug!" ang naririnig kong tibok ng puso ko, napapalitan lang ng, Kiefer! Kiefer! Kiefer! wala ba talaga akong pag-asa sa 'yo?"

"Ang mahirap kasi sa inyong mga babae, lalaki na ang hinahabol n'yo. Imbes na kami ang gumawa ng panliligaw at effort ay kayo na, nahiya naman ang mga pride namin. Kaya imbes na pansinin kita, hindi na lang dahil gusto ko ako ang mag-effort sa crush ko!"

"Puputulin ko muna ang inyong usapan, Sam at Kiefer. Kaya niyo na pa lang solusyunan, dinamay niyo pa programa ko. Kaya kayong mga magulang, kabataan ay bantayan lalo't hindi pala sila pinapansin ng mga crush nila baka pati Rated k at Jessica Sojo ay idamay. Sa ating tagapakinig, pagpasensiyahan n'yo na ang maselang topik na ito. Hanggang sa susunod—"

"Wait idol! May itatanong lang ako!" singit ko bago kami tuluyang magpaalam.

"Go ahead."

"Ahm... Kiefer? Will you crush back me now?"

"Oo na, matagal na din naman kitang crush! Andito na ako sa labas, dalian mo, deretso na tayo sa simbahan para magpakasal at maikama nang matagal este makasama nang matagal.

Narinig ko ba ang muling pagbuntong-hininga ni idol Tulfo, "Kasalanan ng mga kabataang ito kung bakit magiging rated-spg ang programang ito."

Agad akong tumakbo papalabas ng opisina bago pa ako ipakulong ni idol sa mental dahil sa taglay kong kabaliwan. Kasalanan ko ba na nagka-crush ako at handa kong gawin ang lahat para mapasaakin siya? 'Di b hindi?

Agad kong natanaw si Kiefer. Finally, ikakasal na kami at bubuo ng mga baby!


ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon