"Okay class since nutrition month natin, gagawa kayo ng mga banat all about masustansiyang pagkain!"
Napuno ng reklamo ang buong klase namin.
"Quiet class! Lalagyan natin ng twist, boys vs. girls will entitled–nutri-banat, any representative?"
Sa kasamaang palad ako ang tinuro ng klasmeyt kong bida-bida.
"Ma'am si Jessamel po pambato namin, itayo ang bandera ng kababaihan!"
"Tss!" Napakamot na lang ako sa ulo hanggang sa banggitin ang makakalaban ko.
"Si Josef po para sa mga gwapong kalalakihan!"
Geeez, crush ko pa talaga ang babanatan ko!
"Okay class since may representative na kayo, I want you two na magbatuhan ng banat para sa isat-isa. Start with you Jessamel follow by Joseph., nutri-banat niyo ang gulay!"
This is it pancit! Let the show begins!
"Gulay ka ba? Ikaw kasi nagbibigay kulay sa buhay ko !" paunang banat ko.
"Gulay ka din ba? Bitamina mo kasi ang kailangan at hinahanap hanap ko!" biglang banat ni Joseph.
"Nutri–banat ang ampalaya!" sambit ni teacher
"Kahit mapait ang ampalaya, basta't nakangiti ka sa umaga, ayos na!"
"Ampalayain ka ang siyang tunay na mapait, kaya akin ka lang!"
"Okay another one, Nutri-banat ang saging!" sabi ni teacher
"Siguro saging ka.. Saging ikaw ang nasa isip, saging ikaw ang nasa puso!"
"Kumain ka ng saging, para naman siguradong puso mo'y maging akin!"
"Road to forever, gulay pa more!" sigaw ng classmate kong bida bida.
"Sssssh quiet! Let's proceed, Nutri-banat sa kalabasa!"
"Joseph kumain ka ng kalabasa, para makita mo'ng crush kita!"
"Kumain ako ng kalabasa kaya malinaw sa akin na banat lang 'to, unsquashed mo na!"
Nasaktan ako sa sinabi niya, oo nga pala–laro nga lang pala ito, masyado akong nagpadala.
"Move on to Nutri-banat sa malunggay!"
"Malunggay ang kailangan para makasama kita habang buhay!"
"Malunggay pampahaba ng buhay, pero sana marealize mo'ng di tayo bagay!"
"Nagkakainitan na tayo ah, Nutri–banat ang go, glow, grow"
"Wala na nga ba akong pag-asang to go, glow, grow old with you?"
"I want to go, glow grow old but not with you!"
Nasaktan ako sa katotohanan–hindi nga pala ako.
"Owww, nutri banat ng okra!"
"Okra na mahaba at madulas, masarap lalo na kapag kumakatas sa puso ko'y wala ka nang takas!"
"Okra na madulas, tumigil ka na saki'y wala kang bukas!"
"Second to the last, nutri-banat ng lechugas!"
"Lechugas na siksik sa sustansiya, akin ka na lang dahil pag-ibig ko'y wagas!"
"Lechugas na dahon, wala akong pakialam sa wagas dahil hindi ikaw ang gusto ko maging kasama sa wakas!"
"Mainit na ang banatan, okay down to the last nutri-banat para sa pechay!"
"Pechay na gulay, manatili ka sa akin habangbuhay, maging pechay ko sayo'y ibibigay!"
"Aanhin ko ang pechay mo kung ako'y jutay, at sa kapwa ko'y lalaki ako'y patay na patay!"
"OMG! Bakla ka Joseph?" gulat na tanong ko.
"Tss, obviously I'm not gay co'z I'm also a girl tse!"
"Smoooooth!"
"Basag!"
"Juts! Juts!"
Pashnea, bakla pala yúng crush ko!
"Okay the most nutri-banat winner is boys team!"
Nagdiwang ang mga kaklase kong lalaki, samantalang kaming mga babae ay natameme dahil may isa na naman nasayang na Adan, kainis na gulay yan!
––—
Ginagawamue self! Whahahaha!
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner