(37.1)Fallen Angel's Heart

35 3 0
                                    

PART |

"Mom, dad, i'm home!" anunsyo ko pero walang sumasagot mula sa loob.

"Chelsea, can you please open the door?" Sigaw ko pa. Ngunit walang nasagot kahit isa sa kanila, siguro namasyal na naman sila ng wala ako.

I'm Fallen Angel, an outcast member ng itinuturing ko na pamilya. Bakit ako outcast–co'z everytime na may family bonding, 'ni minsan hindi nila akong magawang isama kahit bilang chaperon lang sana. Lagi na lang ang kakambal ko na si Chelsea–we're twins yet i'm not connected to her. Kahit siya hindi ko maabot.

"Hays, matutulog na naman ako sa tulugan ni chums–ang alaga kong aso. Yes, you heard it right, minsan lang ako makapasok sa loob ng bahay dahil palagi silang wala. SI chums lagi ang katabi at nakakasama ko. Siya lang ang mayroon ako na nagmamahal sa akin ng todo. Paano ako nagkasya sa dog house? Wala siya nun, tanging damuhan lang ang nagsisilbi kong higaan at ang mabalbong balahibo niya lang ang nagsisilbi kong kumot sa lamig ng Gabi. We'll sanay na ako, dahil ganito naman ang buhay ko.

Natulog na lang ako, kaysa maghintay sa kanila. Aasa pa ba akong aalalahanin pa nila ang isang tulad ko? I'm no one's favorite; no one care for my well being and no one loves trashed like me. Well I am nobody, sanay na ako.

Nagising ako sa isang malakas na sipa sa aking tagiliran, "Aahh, stop dad.."

"Tss don't call me your dad! Mabuti naman at nagising ka na! Bumangon ka na at dalhin mo sa loob ang mga pinapili namin! Ingatan mo dahil mamahalin ang mga bagay na yan at gamit yan ni Chelsea, kundi malilintikan ka sa "kin!"

"Yes po Sir.." Kinuha ko na ang mabibigat na pinamili nila. Yes utusan lang din ako sa bahay namin, but still tinuturing ko pa rin sila na akong pamilya. They just don't like me because of my looks–i have a scar all over my body, sa allergy ko nakuha, 'di na nawala. Hindi gaya ng kambal ko na sobrang kinis ng kutis.

"You freak, prepared our breakfast! And please lang umalis ka sa harapan namin, nakakawalang gana ang mukha mo sa umaga lalo na pag nandiyan ka rin sa lamesa!"

Guess who? Si mom lang naman yan, diring-diri sa akin na akala mo may virus ako 'pag nakikita niya ako.

"Kyaaah umalis ka nga sa kwarto ko, baka mahawaan mo ko ng mga peklat mo iww! But btw, I have projects to do–oh correction you have projects to do pala, just always used alcohol, you know, baka mahawa ako!"

S'yempre papatalo ba naman ang mahal kong kakambal? May project din naman ako pero 'di ko pinapagawa.

Sunod lang ako sa mga utos nila, wala rin naman akong magagawa. Natatapos ko na din ang mga gawaing bahay. It's time to face my project and assignment plus additional one pa para sa kambal ko.

"Shit! I don't have more time to finished this!" Dali dali kong tinapos ang akin, "Malalate na naman ako 'di ko pa tapos kay Chelsea!"

"Where's my project huh?"

Ayan na nga, siya na nagpagawa, demanding pa!

"Tinatapos ko pa.."

"Wtf, Malalate na ako! Bakit di mo pa tapos!"

"Tinapos ko pa kasi ang gawaing bahay. Tapos mga assignment at project ko pa, I don't have much time to do all of this.."

"I don't want to hear your excuses, akin na yúng natapos mong project!"

"But.. project ko yún!"

"Pag sinabi kong akin, then it's supposed to be mine!"

Wala akong nagawa ng makuha niya ang pinaghirapan ko, "Triple shit, kailangan ko na 'tong madaliin.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon