Nandito kami sa camping site kasama ang mga kaibigan ko. Isang gubat ang napili namin na site, bihira lang ang magpunta dahil sa mga nakakatakot daw na nilalang. We're here to do some research if totoo ba ang mga usap-usapan.
"Hey Martin magready ka na daw sa hunting mamaya," nakabusangot na saad ni Jeanne.
Tiningnan ko siya, maganda, may maputlang kutis–papasa na siyang ibang nilalang kung hindi lang siya lampa tss.
"Are you a vampire?" pabiro kong tanong.
Lalo itong bumusangot, "Kung bampira nga ako, anong gagawin mo?"
"Papakagat ako sa 'yo rwaaar!" biro ko pa sa kanya–since I saw her, attracted na ako sa kanya but manhid ata siya–walang pake!
"Tss!"
"Hoy kayong dalawa d'yan mamaya na kayo maglandian!" sigaw ni
Sophia."Tayo na lang labs, 'wag kang istorbo sa lambingan nila. Kung inggit ka, andito naman ako gagapang sa 'yo!" biro ni Jeff.
"Tse manyak!"
Binugbog nga ni Sophie ng tuluyan si Jeff.
Dahil naghahanda pa sila, naisipan ko munang maglakad lakad sa kagubatan, hindi ko namalayang napalayo na pala ako sa site at maggagabi na.
"Nasaan na ba ako? Malayo ba talaga nalakad ko?" Inilibot ko ang paningin ko, mukhang naliligaw na nga ako. May mahinang kaluskos akong narinig . Isa.. dalawa.. tatlo.. na papalit palit ng pwesto.
"Hoy kayong tatlo, lumabas na kayo.. Alam kong andyan lang kayo sa paligid at nagtatago." Inaasahan ko na sila Jeanne, Sophia at Jeff ang lalabas kung saan ngunit tatlong nilalang ang 'di ko inaasahang makita. Maiitim na mata na tila blanko tumingin, matutulis na kuko, at may mga pangil na mukhang matatalim–vampires. Hindi ko akalaing totoo ang mga haka-haka.
Dahan-dahan silang lumalapit, "Mukhang ako pa ata ang hapunan nila.. 'wag kayong lalapit.. may bawang ako dito." Inilabas ko ang bawang–boy bawang na chichirya na nagpangisi sa kanila.
"Shit! Shit! Ano bang pangontra sa mga bampira–araw pero kalulubog lang; saksakin at dukutin ang puso–that was gross! Shit kamatayan ko na ata!" malapit na sila sa kinatatayuan ko. Agad akong sinugod ng isa at hinawakan sa panga. Naramdaman kong umangat ako sa lupa,"Teka lang naman bago niyo ko kainin pasigaw muna ha–JEANNE ASHLEY MAHAL KITA PAALAM NA, HINAPUNAN NA AKO NG PANGIT NA BAMPIRA!"
Nagready na ako sa kamatayan ko, ipinikit ko ang aking mata at hinihintay kong mawalan ako ng hininga. Ibinagsak ako nito sa lupa, "Shit! Boodle fight pa ata ang gagawin nila!" Kanina pa ako naghihintay ng kamatayan ko ngunit wala akong naramdaman na kahit anong sakit. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Nakita ko ang isang nakatalikod na babae, hawak hawak ang walang buhay na bampira, kinuhaan niya ito ng puso at biglang naging abo. Unti-unti itong humarap sa akin, may mapulang mata at pangil na may bahid ng dugo pa. Hindi ko masiyadong makita Ang mukha niya dahil sa suot nitong pantaklob. Dahan dahan din siyang lumapit sa akin.
"Tss! You know masama ang masyadong curious sa kapaligiran at maglakad lakad ng malayo–hindi alam daan pauwi?"
Parang kilala ko ang boses niya, "I'm just thinking.. habang naglalakad ako, please spare my life–magtatapat pa ako ng pagmamahal ko. Ngsb pa ako, paranasin mo naman akong magkalovelife!" birong pakiusa ko..
"Thinking of what?"
"Thinking of Jeanne, kung ga'no siya kamanhid!"
"Thinking of me pala huh!"
Agad akong napatingin sa kanya. It's jeanne–and she's a fucking vampire?
"Ikaw.. b–bampira ka?"
"Obviously, since nalaman mo ng bampira ako.."
Nilabas nito ang mga pangil niya, hindi ko namalayang nasa harapan ko na siya. Naramdaman ko na lang ang init ng hininga niya sa leeg ko.
"I'm going to mark what is mine.. mate!"
Isang malakas na sampal ang gumising sa akin.
"Sampal lang pala gigising sa 'yo eh!" Nakapamewang na saad ni Sophia.
"Masakit huh tss!" –napakabrutal tlga ni Sophia. "Bakit ka ba nananampal d'yan!"
"FYI Mr.Martin, kagabi pa kami naloloka maghanap sa iyo, tapos ikaw nandito natutulog sa isang puno na nakanganga pa!" inis na dagdag pa ni Sophia.
"Labs kalma na o ikakama na kita!" banat na naman ni Jeff.
"Gusto mo ulit ng bugbog ha?"
"Easy Sophia, sabi ko nga sapakin mo na si Martin! Dude, bat ka ba nandito?"
Nagtataka ako kung bakit ako nandito,"Hey kayong dalawa ano bang ginagawa ko dito?" balik tanong ko pa.
"Wtf Malay namin sa 'yo! Nakakapagod maghanap sa 'yo tapos 'di mo alam kung bakit ka napadpad dito. Ikaw na nga bahala d'yan Jeanne!"
Nagwalkout na nga si Sophia at hinabol naman siya no Jeff. Napatingin ako kay Jeaane, mukhang maaliwalas ang mukha nito.
"Aray–bakit masakit ang leeg ko!"
Saglit na napangiti si Jeanne na nakita ko bago magpalit ng famous poker face Niya, "Tss, baka nangalay, tara na uuwi na daw!"
"Oo na!"–Ano ba talaga ang ginagawa 'ko dito.. bakit wala akong matandaan.
"I'm going to mark what is mine..ajsgshdhd" –shit sino naman nagsalita sa isip ko? Agad agad akong tumayo at sinundan ang papalayong si Jeanne. "Hey hintayin mo ako!" nagmamadali akong sumabay sa kanya baka kung anong weird things pa ang mangyari sa akin.
–––
Rwaaar bampira ako! Trial story so walang pawt 2 ha! Mag-aaral talaga ako ng action scenes pag mga gantong genre!
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner