"Mamang pulis makinig ka sa 'kin, nasaksihan ko talaga ang nangyari!"
Tumalikod ito sa kanya at muling nagtanong sa iba.
"Kahit bata ako mamang pulis, marunong ako magsabi ng totoo!"
Hindi pa rin siya nito pinansin.
"Arrgh! Ako po si Mary na nagsasabi ng pawang katotohanan kahit isumbong mo pa ko kay mama kapag nagsabi ako ng kasinungalingan."
Humarap ito sa kanya at tumingin,
"Hays finally handa mo na akong pakinggan. Ako ang pinakawitness sa pangyayari!"
Akmang tatalikod ang pulis sa kanya, "Oops magsasalaysay na ko mamang pulis, makinig ka nang mabuti ha!"
Umiling iling ang pulis sa kanya.
"Nakita ko ang biktima na kinuha ng dalawang malaking tao na nakamask, napakacreepy nila kaya ako natakot at nagtago eh. Agad nila itong sinakay sa dala nila na sasakyan na pinaharurot agad ng driver. Nakita kong naglaban ang biktima ngunit, 'di niya kinaya dahil doble pa ang katawan ng mga ito kaysa sa kanya. Dinala ang biktima sa malayo at liblib na lugar. Doon nila sinimulan ang kanilang mga plano.."
Nakita niyang nagsulat ang police sa clipboard nito kaya ipinagpatuloy niya ang salaysay, "Walang awa nila itong pinagsamantalahan ng paulit-ulit. Dinig na dinig ko ang mga pagmamakaawa nito ngunit pambubogbog lang ang ginagawa ng mga lalaki dito. Gusto ko siyang tulungan ngunit maging ako ay natatakot din. Iyak at sigaw niya na "tama na po" ang narinig ko habang ang dalawang lalaki ay malakas na nagtatawanan."
Napaiyak si Mary sa pagkwento, " pasens'ya na mamang pulis nadadala lang ako sa emosyon ko. Pagkatapos nilang pagsawaan ang katawan nito. Binugbog nila ito kaya halos basag ang katawan ng biktima. Sinakal din nila ito ng bardwire para siguraduhin na mamamatay ang biktima nila. Naisipan din nilang itapon sa ilog ang kawawang biktima, kaya napadpad ang katawan niya dito."
"Kawawa ang batang ito, mahirap na makilala sa tagal siguro nitong nagpaanod sa ilog.
"Opo mamang pulis, kaya dapat parusahan mo ang gumawa nito sa kanya. Hindi dapat sila pagala-gala baka makahanap sila ng bagong biktima."
"Malupit na nga ang sinapit, ngunit may ilulupit pa ba sa kahit anong lead sa kaso niya ay walang nakapagpalinaw ng krimen kaya ang mga may sala ay malayang nakakagala,"
"Handa kong ituro ang mga salarin mamang pulis, namukhaan ko sila,"
Dahan dahan lumapit ang pulis sa kanya. Ngunit wala ata itong balak huminto, talagang babanggain siya nito.
Agad siya nitong binangga ngunit wala siyang naramdamang kahit anong sakit. Nagtaka man ay sinundan niya ang pulis."
"Boss may pagkakakilalan na ang biktima," Sabay abot nito ng isang dokyumento na naglalaman ng lahat.
Binasa ito ng pulis, "Mary Emanuel is her name. 2 weeks went missing"
"Wait mamang pulis, did I heard it right?"
"Nakonfirm na ba ng pamilya niya?"
"Mamang pulis baka mali ang name?" Lumapit siya dito para hawakan sana ang pulis ngunit tumagos lang siya dito.
"No.. hindi pa ako.. hindi pa.."
"Papunta na daw po Sir ang pamilya ng biktima,"
Nilapitan ni Mary ang natagpuang bangkay, nang makita niya ito ay napaiyak na lang siya, "Kaya ko pala alam ang lahat, ako mismo ang biktima na saksi sa sariling sinapit na karahasan,"
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner