(13) Pineapple

103 4 0
                                    

"Ma, ayoko na po kay spongebob squarepants kahit kabisado ko pa theme song niya" sabi ni Lyra sa ina.

"Ha? Di ba favorite mo ang palabas na Spongebob?" takang tanong ng ina.

"Ma, buburahin ko na din po ang video ng pen pineapple apple pen sa cellphone ko" dagdag pa ni Lyra

"Anong nangyari diba sabi mo cute sayawin yan 'nak?" lalong nagtaka ang ina.

"Ma ayoko na din ng juice, magtutubig nalang po talaga ako" ani ni Lyra.

"Ok 'nak, drink 8 glass or more a day ha" sabi niya sa anak niya.

"Opo ma, ayoko na din ng prutas na iyan" sabay turo ni Lyra sa pinya.

"Bakit 'nak masarap at siguradong matamis yan, dala pa yan ng papa mo galing tagaytay"

"Ayoko na ma, nagbago na kasi isip ko. Sorry ma and you should say sorry too" sabi bigla nito.

"Anong ibig mong sabihin anak?" nagtataka na talaga ang ina sa inasal ng anak.

"Ma kailangan mo humingi ng tawad dahil dinungisan mo ang mura kong kaisipan" sabi ni Lyra na umiiling-iling pa.

"Anong pinagsasabi mo d'yan 'nak?" naguguluhang tanong pa ng ina.

"Una ma nagpost ka ng status mo at nabasa ko" tugon nito

"Gusto ko ng pineapple ugh" nakalagay sa post mo.

"Pumunta ako sa kusina para ikuha at dalhan ka nito ngunit nagulat ako sa nasaksihan ko" sabi ni Lyra na hindi maipinta ang mukha.

"Nasaksihan? At ano naman 'yon 'nak?" tanong pa ng ina.

"H'wag kang magalit ma ah, pero nakita ko po na pinapanood niyo yung video. Kung saan may isang babae na nagsasabi ng 'ughh ughh" habang pinapasok ang—" hindi na natapos ni Lyra dahil biglang sumigaw ang ina.

"Ikaw na bata ka halika nga dito, 8 years old ka palang nakapanood ka na. Bawal ka ng pumasok sa kwarto namin ng papa mo!" galit na sabi ng ina niya.

Si Lyra naman ay agad na umakyat sa hagdan para 'di makurot ng ina ngunit napahinto si Lyra.

"Ma kung gusto mo ng pinya, marami pa sa kusina" biglang sabi ni Lyra sabay pasok sa loob ng kwarto niya.

"LYRA! GROUNDED KA AT COMPISCATED ANG CELLPHONE MO NG ISANG LINGGO" sigaw ng ina

"I hate pineapples psh!" nakalabing sabi nalang ni Lyra sa sarili.

______
Isa pang tanong about sa pineapple😑 Ayoko na magbasa sa comment section, inosente pa man din ako hahahahaha

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon