Si Red, kasintahan ko sa totoong buhay, at si Blue, naman sa pekeng mundo ko nakilala na naging malapit na sa akin.Dumating sa punto na nalito na ako sa nararamdaman ko para sa dalawa. Si Red, kasama ko nga pero hindi ko ramdam na mahal niya ako, samantalang si Blue ay pinaparamdam sa akin na mahal ako kahit napakalayo ng agwat namin sa isat-isa.
Hanggang sa nagpatulong sa akin si Blue, kung paano ba umamin sa isang babaeng nagugustuhan niya.
Sinabi ko lang na magpakatotoo siya sa sarili niya at nararamdaman niya. Ipakita niya na mahalaga at mahal niya kung sinuman ang mas'werteng babaeng ito. Gano'n lang, hanggang doon lang ang naipayo ko. Sa kaibuturan ng isip ko, sana ako na lang ang babaeng tinutukoy niya. Pero malabo, imposibleng maging ako nga iyon.
Isang linggo ang lumipas, bigla na lang lumamig ang pagsasama namin ni Red, hanggang sa nakipag-hiwalay na ito sa akin. S'yempre nasaktan ako, iniwan na lang ako nang biglaan at hindi ko pa alam ang dahilan. Basta na lang kami nagtapos, basta niya lang tinapos ang lahat.
Noong araw din 'yon, bago pa man tuluyang malungkot, nagtapat naman nang biglaan sa akin si Blue, mahal niya daw ako. S'yempre natuwa ako, ako pala ang tinutukoy nito.
Totoo pala na kapag iniwan ka ng isang tao, may darating na papalit na higit pa sa inaasahan mo.
Nag-usap kami sa chat ni Blue na magkita na rin sa wakas. Hanggang usapang chat lang kami, hindi kami nag-try mag-voice call or mag-video call man lang para mas nakaka-excite ang unang pagkikita namin.
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Medyo na-late ako ng dating sa tagpuan namin kaya hinanap ko siya, nagbigay naman kami ng deskripsyon sa mga suot na damit namin para makilala ang isa't isa. Hinanap ko siya ng hinanap, hanggang sa mahagilap ko ang isang lalaking nakatalikod na tumugma sa sinabing suot nito ngayon.
Agad ko siyang yinakap ng mahigpit, sa wakas nagkita na kami.
"Nandito na ako mahal, pasens'ya kung pinaghintay kita."
Agad itong humarap, may ngiti sa mga labi. Ngunit kapwa kami nagulat nang mapagtantong matagal na kaming magkakilala.
"Red? Anong..."
"Oo, ako pa din ito. Pasens'ya kung hindi ko sinabi sa 'yo ang katotohanan. Gusto ko lang makisabay sa mga hilig mo, pinasok ko ang pekeng mundo dahil sa 'yo."
Oo, nagulat ako na ang kasintahan ko pala sa totoong mundo ay kasintahan ko rin sa pekeng mundo.
__________
A simple plot will do. Tinatamad pa ako amp.

BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner