(21) Crush Ako Ng Crush Ko

46 4 0
                                    

"Ian bago tayo maghiwalay may aaminin ako sa 'yo,"

"Ano 'yon Maurine? Ako din may kailangang sabihin eh," napakamot nitong wika.

"Ano 'yon Ian?"

"Ikaw mauna Maurine, ladies first nga eh,"

"Di na uso ngayon 'yon Ian"

"Ok fine! Sabay na lang tayo,"

"Game! 1.. 2.. 3.."

"Crush kasi kita Ian!/ Crush kita Maurine!" sabay nilang sabi na namumula. Bigla silang nagkatinginan at sabay na humagalpak sa tawa.
___

"Yes d'yan kami nagstart umamin sa isat-isa. I miss my Ian mylabs," then nag-log in siya sa facebook niya, "Hi Ian, I missed you na" chat niya dito.

Kung bakit ba kasi kailangan nilang maghiwalay kung kailan umamin na sila.

"Hays, bakit matagal siyang nag-online ngayon?" habang naghihintay siya ay nagscroll muna siya sa newsfeed niya.

"Hi Maurine mylabs, sens'ya kagigising ko lang. Kumain ka na ba ng breakfast?" chat nito sa kanya.

"Hindi pa Ian mylabs, video call tayo please! Na-miss na talaga kita"

Video Call..

"Mylabs may muta ka pa at panis na laway, baka habulin ka ng banyo n'yan" asar ni Maurine dito.

"Ikaw nga mylabs, mukha kang bruha sa gulo ng buhok mo, hahabulin ka na ng suklay niyan eh," ganti pabalik nito.

"Eh sa tinatamad ako, chat at mukha mo gusto kong makita kahit ganito pa itsura ko, di mo ba ko namiss?" nakalabing sabi niya.

"I'm sorry mylabs, pinuyat mo kasi kagabi. S'yempre namiss kita ng sobra. I love you na mylabs," ngiting sabi ni Ian

"Oh sige, try mo'ng mag-iloveyou too na bata ka!" nakapamewang na singit ng mommy niya.

"Mom naman eh!" padabog niya'ng sabi, "Sige bye muna Ian!" sabay end niya sa usapan nila.

"Aba't magrereklamo kang bata ka? Hala punta sa baba at tayo'y kakain na!"

"Mom, I'm not a child anymore!"

"You're not a child anymore? Ano ka dalagang pilipina na 'di pa nireregla? Tigilan mo ko'ng bata ka!"

"Mom, dadating din ang panahon, dadatnan din ako. Look mom to my beautiful face, nainlove sa akin si Ian tsaka pwede'ng mamaya muna ko kakain mom, namiss ko kasi si Ian,"

"Beautiful face, tigilan mo ko'ng bata ka, ni hindi ka nga marunong mag-ayos pa ng sarili mo! Kakabakasyon niyo lang namiss mo agad, magkikita pa naman kayo sa pasukan! Hala bumaba na do'n!"

"But mom!"

"No but's!"

"Hays maya nalang Ian mylabs,"

"Tigilan mo ko sa mylabs niyo na yan! 8 years old ka palang inuuna mo na yang kalandian mo! Kumain ka na do'n!"

"Hmp! At least mom, crush ako ng crush ko!" sabay martsa niya papuntang baba.

"Matuto ka munang maligo mag-isa at magkusot ng mga panty mo!" habol na sigaw ng Mom niya.

"Aargh fine!"

_______

Landidi pa nga eh. Kayo? crush ba kayo ng crush niyo?

Sornaman lame. Errors ahead!

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon