Chapter 2- Slap

260 13 0
                                    

❤️Stacey POV❤️

Nakakainis talaga ang teacher nato!
Seryoso ba siya mamimilit siya ng isang estudyante sa isang walang kwentang bagay? gusto niya ako para anak niya? Siya pa yung may ganang magalit dahil hindi ako pumayag.

E napaka walang kwenta ng dahilan niya! Andito ako para mag aral hindi para mag hanap ng mapapangasawa at magiging Boyfriend!

"Miss Lauron! Ito ay isang utos!" sigaw ni Salamanki. Galit na siya.

Mamimilit pa talaga siya? Alam niya ang mga Laws tapos kung maka asta siya para siyang walang respeto sa desisyon ng tao.

"Sir I'm really sorry pero dapat hindi niyo na pilitin ang kapatid ko." sabi ni Minmin.

Bakit ba siya namimilit? Anong pinaglalaban niya? Napaka Big Deal naman ng pagtanggi ko. Dapat respetuhin niya ang desisyon ko. Dahil hindi talaga ako interesado sa mga sinasabi niya.

"I'm asking your sister Mr. Lauron." medyo galit na sabi ni Salamaki sakanya. Bagay talaga na pangalanan siya ng Salamamki.
Medyo naiirita nako sa pamimilit niya.

"Sir if your ASKING Miss Stacey to accompany you in your office dapat respetuhin niyo ang desisyon niya dahil nag tanong kayo kung pwede ba siya sumama." sabi Zedrix. Sa mukha palang niya at pati yung apat ay tila hindi nagustuhan ang pamimilit ng Guro namin.

Isa pa talagang pamimilit sa walang kwentang dahilan mawawalan na talaga ako ng respeto.

"Sige pero pag nalaman ko na may free time ka tapos hindi ka pumunta ng office e babagsak kita kahit maganda at sexy ka." sabi ni Salamonkey.

Hindi ako makapaniwala na ganito ang pinag uusapan namin ngayon.
Bakit ba siya nag babanta? Tapos kung maka tingin siya saakin ay may pagnanasa. Ang iba naming kaklase ay nagulat sa pagsasalita ng guro at tila natakot. Bumaling nalang ako sa Malawak na Sports Center at tumingin sa langit tiya huminga ng malalim.

Lumabas na siya. Nangibabaw ang bulong-bulongan ng mga kaklase sabay tingin sakin. Bumaling si Minmin saakin. Naroon parin ang inis sa kanyang mukha. Tinanong niya ako kung ayos lang ba ako. Nginitian ko lang siya.
Umupo na kaming apat na pinatayo kanina.

Pagkatapos ng second subject ay recess na. Niligpit ko muna ang gamit ko. Dinala ko ang Cellphone ko. Iiwan ko muna ang airpods sa bag ko. Bumaling ako sa dalawa na hindi pa tapos sa pag liligpit ng gamit.

Habang hinihintay sila ay nakuha nang isang lalaki ang atensyon ko. Gaya ko naghihintay din siyang matapos ang mga kaibigan na nag liligpit din ng gamit.

Siya yung Zedrix diba? Nang nagtagpo ang aming mga paningin ay agad akong umiwas ng tingin. Sinusulyapan ko pa siya kung nakatingin pa ba siya sakin.

At tama nga ako nanatili ang tingin niya sakin! Naiilang ako dahil sa mga malalalim niyang mata na kulay Bughaw. Pinapawisan ako sa titig niya. Kaya sa inis ko tiningnan ko ang mata niya ng buong tapang at umirap nalamang. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi kasabay ang munting pag iling. Tuwang tuwa siya dahil naiilang ako?

Hindi naman ako naiilang ah! Naiinis ako!

Hindi namin namalayan na nakitingin na saamin ang mga kaibigan namin. Kung ako ang unang mag bibitiw ng tingin ibig sabihin talo ako.

Hindi ako papayag na matalo.

Siya naman ay hindi din nagpapatalo. Kitang kita ko ang paghahamon nang kanyang mga mata.

Natigil lamang ang aming titigan nang may humarang.

Humarang si Kai kaya natigil ang aming paligsahan sa patitig

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon