♥️Kai's POV♥️
Nag chat ako kay Stacey kung okay lang ba siya, ang sagot niya Oo. Namimiss ko na siya. Ewan ko kung bakit ganito ang epekto sakin ni Stacey pero gusto ko talagang andito siya at nanood habang lumalaban ako.
Ako:
Stacey may sasabihin ako sayo pagbalik namin.
Yun ang huling mensahe ko sakanya. Online siya pero hindi siya sumasagot sa chat ko. Lumaylay ang balikat ko. Pakiramdam ko hindi siya interasado saakin. Matagal ko na kasi siyang kinamusta pero ngayon lang siya nakapag reply.
Hihingi kaya ako kay Stanlee ng tulong? Magkapatid sila kaya sigurado akong ikukuwento ako ni Stanlee sakanya. Pero halata naman na hindi siya interesado sa mga lalake. But I will not give up. Iba tong nararamdaman ko sakanya.
Miyerkules ngayon. Pagod kaming lahat. Halos hindi na nga kami nag uusap dahil pagdating namin sa Condo ay diretso kami sa kama. Marami din akong sakit sa katawan. Si Zed naman ay may pasa. Siya kasi yung lumaban kay Stanlee nung nawalan siya ng pandinig.
🍒FLASHBACK🍒
Monday ngayon. Eto yung unang araw ng laban. Nasa Condo si Stanlee nagpapahinga. Si Zed ang unang lalaban saamin. Lahat kami ay naka Dobok na. Marami naring tao ang dumating. Kami nalang siguro ang hinihintay.
Ewan ko kung kinakabahan ba si Zed pero panay Fighting Stance niya nang nakasoot na siya ng Dobok At Black Belt. Sinosuotan na siya ngayon ng Hogu (A hogu is the armor worn by practitioners of Taekwondo during sparring.)
"Kinakabahan ka Dre?" Tanong ni Ian.
Nilingon ni Zed si Ian at umiling.
"Dalawa ang laban ko at magagaling sila."
"Kinakabahan ka nga?" Tanong ni Edriel
"Sila ang kabahan sakin." Nilagay niya ang dalawang kamay sa baywang at taas noong humarap saamin.
"HAHAHA..." tinawanan namin siya.
"Baka matalo ka sa kayabangan mo Bro! Bakla ka pa naman!" Natatawa kong sabi sa kapatid ko.
Umayos siya sa pagkakatayo at sinamaan ako ng tingin. Babatukan niya sana ako pero umiwas agd ako.
"Baka masira ang gwapo kong mukha ano ba!"
"Dati na yang Sira!" Sigaw ni Andrey sa mismong mukha ko tiyaka nag tago sa likod ni Ian.
Natigil lamang kami nang pumasok si Coach.
Kitang kita namin sa mukha niya na problemado siya. Mabilis kumunot ang mga noo namin dahil kanina lang masaya siya para samin."Galing niyo."
"Bakit ganyang ang mukha niyo coach?" Hindi ko na mapigilan na magtanong.
"Gwapo ba?" Nakangisi niya sabi.
Nagtawanan muli kami.
"Ano ba coach seryoso!"
"Magaling ang kalaban niyo kaya galingan niyo. Nanghihinayang lang ako kay Stanlee. Siya lang kasi ang nakikita kong makakatalo sa paboritong bata ng matagal ko nang kalaban sa field na ito. Tumanda na ako sa Taekwondo. Kilala ko na ang mga magagaling sa larangang ito."
Tumango kami.
"Gagalingan ko Coach!" Si Zed.
Tinapik ni coach ang balikat niya. Niyakap niya ito. Lumapit na din kami para yumakap sakanya.
Kahit ngayon lang namin nakilala si Coach dahil galing kami sa ibang school at nag transfer kami dito ay naging mabait siya saamin. Magaling siyang magturo. Pasensyoso din siya.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...