Chapter 12- Knows

180 9 0
                                    

❤Stacey's POV❤



Baka madamay lang si Yuna. Ayoko mawalan nang kaibigan. Kitang kita ang pagtataka sakanyang mukha.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya saakin.

Hindi na ako sumagot. Nasa malinaw na tubig nang Somi Resort ang paningin ko. Wala akong balak maligo. Pero may parte saaking gustong maligo. Mabilis akong maakit nang mga magagandang tanawin.
Malapit ko nang maubos ang kinakain kung leche flan. Hindi ko nga na malayan.

Di parin inaalis ni Yuna ang paningin saakin. Kahit nasa pagkain at dagat lang ang paningin ko kitang kita ko parin ang pagtataka sakanyang mukha. Binabasa niya din ang mga ekpresyon ko.

"Alam no? pareho kayo nang ugali nang kapatid kung lalaki."

Nakikinig lang ako sakanyang susunod na sasabihin pero wala na akong narinig mula sakanya, tanging buntong hininga nalang.

Nang matapos ko ang kinakain ko ay bumalik na ako ibang kasama. Sumunod naman si Yuna.

Hanggang dito ay may napapansin akong kakaiba. Medyo naging masaya ako sa pagkawala ni Stanlee nang dalawang linggo. Doon ako hahanap nang tiyempo. Hindi nakakalapit ang mga sumusunod saamin dahil parati akong may kasamang lalaki. Hindi narin ako magtataka na alam nilang mga taekwondo. Wala din akong balak na ipaalam sa mga magulang ko.

Umupo ako kung saan ako umupo kanina. Si Yuna naman ay nagtatatakbo papunta saamin dahil sa sobrang init.

"Ang haggard muna Yuna!" tawa ni Ian.

Lumapit si Yuna sakanya at tinampal ang braso.

Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan. Hindi ko din alam pano kami naging close. Ang alam kulang ay kung wala si Minmin.
Hindi ako magkakaroon nang kaibigan. Sa sobrang tahimik ko, mababagot lang silang kasama ako. Hindi din ako sumasabay.

Kanina ko pa talaga napapansin ang mata ni Kai at Zedrix. Hindi nila tinatanggal ang tingin nila saakin. Ewan ko kung anong meron pero alam kung may iniisip sila tungkol saakin. Let me guess. Suplada? Maarte? Snob? Totoong naiinis ako pag may tumititig saakin. Ayaw kung may mag isip tungkol saakin.

Nag desisyon silang maligo. Habang kami ni Shay ay umuupo lang dito at tinatanaw ang mala paraisong lugar na ito.

Nag hubad nang t-shirt ang mga lalaki at itinapon sa kung saan. Si Yuna naman ay naka swimsuit na.
Maganda ang katawan niya pero hindi ko lang ma imagine ang sarili ko na naka soot nang ganyan sa harap nang kahit sino. Ayaw kung mabastos oh tignan man lang ang katawan ko nang kahit sino. Tumakbo silang pito papunta sa dagat. Sumisigaw pa si Andrey dahil sa exitement.

Hindi ko man madinig ang tawanan ay kitang kita naman sakanilang mga mukha. Nag tutulukan sila at naghahabulan sa dagat. Binasa ni Minmin si Yuna, tumili ito dahil natamaan ang mukha. Tumatakbo naman si Minmin dahil sa takot. Hinabol siya ni Yuna. Kumapit ito sakanyang likod at pilit ilunod. Pero dahil malakas ang kapatid ko hindi nagtagumpay si Yuna. Hindi siya pinakawalan ni Stanlee sa pagkakakapit mula sa likod. Ginaya nina Andrey at Kai ang lagay nila, sumali nadin Edriel at Zedrix. Ngumuso naman si Ian dahil siya nalamg mag isa. Ewan ko kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin98 ko ay si Ian ang hahabol sakanila tatlo habang may karga sa likod.

Bumaling ako sa pagkain na nasa harap ko. Kumuha ako nang isang Fried Chicken. Palihim akong tumitingin sa paligid.

Ang husay magtago.

Ngumisi ako.

"Stace hindi ka ba maliligo?"

Nilingon ko siya inilingan. Stace na naman.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon