♥️Stanlee's POV♥️
Umiiyak na ako dahil sa pag aalala. Nang tumawag ako sa kapatid ko ay ang sabi niya nawawala siya sa isang masukal na kagubatan. Baka may mangyaring masama sakanya! Hindi ko kaya! May tiwala ako sa kapatid ko dahil mautak yun, pero babae siya. Natatakot ako baka may makasalamuha siyang mga taong masasama. Hindi ko mapigilan talaga ang mag alala.
Natalo ako ngayon sa laban.
Madaya yung kalaban, yan lang ang masasabi ko. Hindi ko talaga kayang labanan ang kahinaan ko.
Hindi ko pa ito sinasabi kay Rin dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Ayaw niya sa natatalo.Hayst.
Nagsinungaling kami sakanya dahil ayaw niyang nag aalala ako. Ayaw niya ding nasasali ako sa gulong pinapasukan niya. Siyang yung taong natatakot na may madamay. Siya yung taong kahit madamay siya ay ililigtas ka niya. Ayaw niya ding magkaroon ng utang na loob sa ibang tao dahil baka singilin siya balang araw. Sinusuklian niya ito agad.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"1:05am na."
Hindi namin alam ang Sched ng laban bukas, kaya hindi namin alam kong may laban ba o wala.
Dinial muli ni Zedrix ang number ni Stacey pero wala ng sumasagot. Bigla nalang kasi itong natigil kanina."Nag aalala na ako sakanya!"
Anong oras na...
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis at kaba.
"Hindi lang ikaw." Si Zed.
🍒FLASHBACK🍒
"Meowww."
Natigil ako.
Ginala ko ang paningin ko dahil sa narinig. Wala akong makitang ano kaya nagtataka ako kong saan naggaling ang tinig na iyon. Tumayo ang kalaban mula sa pagkakatumba saka tumingin saakin ng nakangisi. Nang aasar siya.
Hindi na ako makakilos dahil kinilabutan ako. Ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo at panginginig ng aking mga katawan. Pati ba naman dito may ano!? Hindi na talaga ako maka kilos. Binaling ko ang paningin kina Zed. Kitang kita ko ang pag aalala sa kanilang mukha. Sumisigaw ito ng pag asa na malabanan ko ang nararamdaman.
Nasusuka na naman ako dahil sa naiisip ko. Lahat tayo ay may kahinaan, ang iba kayang labanan ito, pero ako? Hindi. Matagal ko nang sinanay ang sarili ko sa ganito pero hindi talaga ako nagbabago. Yumuko ako. Nakatanggap ako ng maraming atake galing sa kalaban, nakatayo lang ako dito na parang tangang tinatanggap lahat ng atakeng binibigay niya.
Napa atras ako at muntik na talagang natumba. Ang dami ko nang natanggap na sipa kaya katawan ko na mismo ang bumagsak.
Talo ako.
Napabangon ako upang mag suka.
Oo bumangon ako para sumuka sa harap ng maraming tao. Nakakahiya pero hindi ko talaga kaya. Nahimatay na talaga ako ng narinig ko muli ang tinig ng ano.
Nagising ako sa aking kama. Dahan dahan akong humangon nahihilo pa din ako kaya hindi ko halos mabangon ang sarili. Lumapit agad sila Coach saakin ng makita ako. Nasa Kitchen sila at nag uusap usap.
"Anong nangyari?"
Kahit alam ko na nagtanong parin ako.
Hahaha.
Bobo lang.
🍒END OF FLASHBACK🍒
Patuloy ang paghahanap namin kay Stacey. Madaling araw na kaya hindi na talaga ako mapakali. Tinawagan ko si Dorothy at tinanong kung bakit hindi niya nasundan ang kapatid ko. Sabi niya sinusundan daw ni si Dylan para makahanap ng bagong impormasyon. Nakita daw nila si Darryl.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...