Chapter 29- Heart Problems

117 9 0
                                    

🌷Stacey's POV🌷

Gumising ako ng umaga para mag jogging. Kanina lang ayaw ko pang bumangon dahil sa nangyari kagabi.

It bothered me, nung nakita kong hinawakan niya ang kanyang puso dahil sa sakit ay kinabahan agad ako. Baka may heart problem siya at hindi lang niya alam.

Nang matapos ako sa pagtakbo ay binuksan ko agad ang gate. Tatlong oras akong tumatakbo, halos maikot ko na ang buong lugar na ito.

Nakita ko sa hapag si Manang kasama si Kai. Masaya silang nag kwe-kwentuhan habang umiinom ng kape. Napaaga yata ang gising niya? Tinaggal ko ang aking Airpods at nilagay sa aking bulsa. Nakasoot ako ngayon ng Army Green na T-shirt at Green na Leggings. Hindi ko tinali ang buhok ko dahil medyo tinamad ako, nawala ko kasi ang ang aking pantali. Isa lang ang meron ako nun pero nawala pa.

Kumuha ako ng tubig sa Ref at uminom. Ramdam ko ang titig ni Kai kaya tumalikod ako sa gawi niya.
Nang matapos ako sa pag inom ay nilagay ko na ito sa loob ng ref saka umakyat sa taas.

Pupuntahan ko si Minmin ngayon para sabihin sakanya na ito na ang tamang araw para mag ensayo. Nagbihis ako ng pambahay at humanap ng garter pantali sa buhok ko, wala ako nahanap kaya red na ribbon nalang ang tinali ko. Nakasoot ako ngayon ng track pants at isang violet na t-shirt.
Gising na si Jexi, dinidilaan ang sariling kamay at nakahiga saaking kama.

Sinadya kong padabog gisingin si Minmin para malaman niya ang aking presensya. Wala akong pakialam kong magalit siya saakin dahil ginising ko siya, ang importante may magawa siya sa araw na to.

Sasamahan ko ngayon yung baklang kaibigan ng kapatid ko kaya kailangan naming bilisan. Hindi siys nagising sa ginawa ko kaya nag isip ako ng bagong paraan para magising ko siya. Yung paraan na maiinis siya.

Bumaba hagdanan. Nasa hapag na ang magkapatid kasama si manang at manong. Umiinom sila ng kape.

"Hija saan ka pupunta!?" Tanong ni manong.

"May bibilhin lang." Tipid kong sagot.

Nakalimutan ko nga palang kumuha ng pera. Umakyat muli ako at kinuha ang pitaka. Nag ngising aso na ako ngayon dahil sa naisip. Natatawa na ako sa resulta ng gagawin ko. :)

Bumaba muli ako saka lumabas ng bahay. May tindahan sa di kalayuan kaya tinakbo ko ito. Bibili ako ng naraming Ice saka ilalagay ko sa isang balde.

"Pabilo ho ng ice."

"Ilan hija?" Tanong ng tindera saakin.

"Sampo po."

Tumango siya saka umalis. Ginala ko muna ang aking paningin. Hindi pa gising ang ibang kapitbahay namin, sobrang tahimik ng paligid. Namataan ko sa di kalayuan ang babaeng nagdidilig ng halaman. Naka tuwalya lang ito ng sobrang ikli. Siya yung babaeng binigyan namin ng ulam kahapon. Pasilip silip siya sa bahay namin habang nagdidilig. Inayos niya ang kanyang buhok at ngiting ngiti.

Take note. Nakatuwalya lang siya.

Mas nagulat ako ng pumasok siya sa gate namin at kumatok sa pintuan. Inayos niya ang kanyang sarili bago humarap muli. Pinagbuksan siya ni manang, nakita kong nagulat siya sa presensya nito pero agad din niyang binawi pagkagulat. Kinakausap niya si manang pero sa loob ng bahay siya naka tingin.

"Heto hija oh." Binigay niya saakin ang isang sopot bago ko binigay ang pera. May sukli pa pero hindi ko na kinuha.

Nang makalapit na ako saamin ay narinig ko na ang pinag-uuspan nila.

"Ako nalang po ang magdidilig ng mga halaman niyo." Sabi ng babae.

"Hindi ka ba giniginaw hija?" Nag aalalang tanong ni manang

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon