Chapter 32- True Colors

148 10 0
                                    

♥️Stacey's POV♥️

Tumayo siya.

"Samahan mo ko." Sabi din niya.

Kumunot ang noo ko dahil roon. Magpapabili nga ako diba? Bakit kailangan ko pang sumama?

"Ikaw na."

"Ako nalang Rin! Baka makaabala ka pa." Si Minmin.

Inis ko siyang nilingon. Sinamaan ko ng tingin dahil sumasambat.

"Sige si Zedrix nalang hehe." Nginitian niya ako bago nahihiyang yumuko.

"Anong gusto mong inumin?" Tanong ni Zedrix saakin.

"Ano sa tingin mo?" Nang-iinis kong patanong.

"Be specific." Seryosong sabi.

"Ikaw nang bahala na mamili dun."

Tumango siya at umalis na sa harap ko. Why does I feel that his angry with me? Wala nga akong pake pero pakiramdam ko talaga na ba-bother ako.

Binati ako ng mga estudyanteng kilala ako pero hindi ko kilala, ngiti lang ang naging sagot ko sakanila dahil ayokong mag simula ng conversation lalo na't  medyo nauuhaw ako. May tubig ako sa bag pero iba ang gusto kong inomin ngayon. Kailangan ko pang magtago kung sakalimg softdrinks ang binili ni Zedrix dahil baka makita ni Coach. Yan kasi yung pinaka ayaw niyang inomin namin.

"Rin." Si Minmin. "Alam mo namang bawal ang mga athletes ng softdrinks diba?"

"Alam ko." Simpleng sagot ko.

Hindi naman ako palaging umiinom ng softdrinks kaya okay lang naman siguro kung uminom ako ngayon diba? Total, I'll be coaching next week sa mga beginners na sasali sa Rhythmic Gymnastics.
May routine pa akong kailangan e-ensayo pero matagal tagal pa din yun dahil sabi ni Coach inilipat sa September ang Intramurals.

"Ba't mo sinusuway?" Nag-aalinlangang tanong.

Matalim ko siyang binalingan. "Magtatago ako kung iinom."

Bumaba ako para puntahan ang mga kasama. Kakatapos lang ni Bea at Mickaila sa routine nila.
Pumalakpak ang lahat sa naging Performance namin. Lumapit ako kay Yuna.

"Mag soot na kayo ng Pants dahil maraming taong nakatingin sa soot niyo." Bulong ko.

"S-Sige, salamat Stacey!" Pumunta agad siya sa lalagyan ng bag niya. Sinoot niya yung pants na soot niya kanina, nilapitan niya din agad sina Bea para sabihin ang sinabi ko. Gaya ng ginawa ni Yuna ay sinoot narin nila ang pants. Nakangiti kaming pinanood ni Maam Joy.

Ano kayang pakiramdam na hanggang tingin ka nalang sa bagay na gustong gusto mong abutin? Pero sa tingin ko naman masaya siya dahil sa naabot namin. Halatang gusto niyang maging magaling kami sa larangang ito.

"Tinupad niyo ang pangarap kong makapag perform sa harap ng maraming estudyante." Nangingilid na ang kanyang luha.

Lumapit agad sina Mickaila para yakapin siya.

Kung ako ang nasa posisyon niya, I'll be sad kasi hindi ko natupad ang pangarap pero at the same time I'll be proud dahil sa tinuro ko nakatapad ako ng pangarap ng iba, para naring natupad ang pangarap ko dahil sa achievement nila. 

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon