♥️Shine's POV♥️(ito po yung pinsan ni Ruby kung naalala niyo pa hehe:)
"Halooo!" Tawag ko kay Keanu. My Bestfriend hehe. "You know what? I'm trying hard to help you, tapos sasabihin mo lang sakin na wala kang pag-asa!?"
"It's halata naman na hindi siya type ng couz mo Shine." Sabi nung kapatid niya.
Mariin siyang tinitigan ni Keanu ng sabihin niya iyon, napatakip naman ito sa kanyang bibig at binalik ang mga mata sa cellphone.
"May pupuntahan si Ruby mamaya na Party! Punta tayo para mapansin ka naman nun."
"She's not interested with me, why would I force my self to be with her?" Halatang problemado problemado siya.
"You know what bro? You should trust your self, subukan mo kayang ligawan?" Sabi ng kapatid niya.
"Oo nga! Snob lang talaga si Ruby at hindi palakaibigan." Sabi ko.
"Nakita niyo ba yung lalaki na kasama niya sa Bookstore?"
"Huh?" Nagtatakang tanong. Sino lalake?
"Ako hindi ko nakita dahil hindi naman niyo ako kasama ng mga panahon na iyon." Sabi ng kapatid niya.
"They seem close." Malungkot na sabi.
Anong close? Hindi ko nakitang may kaibigan na sobrang close si Ruby! Ano bang pinagsasabi nitong si Keanu?
Pero may naalala ako nung magkita kami sa restaurant ni Shine at ni...
Jiù zhǔ!
Yes you're right! Magkaibigan si Ruby at si Stacey! Yung savior ko. Hindi nga ako makapaniwalang magkaibigan sila dahil sa pagkakaalam ko hindi naman ganon ang pinsan ko ka friendly.
"Hindi ko napansin." Natulala ako.
"Hindi mo napansin dahil buntot ka ng buntot sa tinatawag mong Jiù zhǔ." Aniya.
Ngumuso ako.
"Ang bad mo ah!" Sabay batok sakanya.
"Wala naman tayong invitation Shine na pwede tayong pumunta." Si Zaila. (Pangalan ng kapatid ni Keanu)
Nag-isip ako.
"Kung tawagan ko nalang kaya si Stacey!?"
Kinuha ko ang cellphone. Hiningi ko nga pala ang number ni Stacey nung umalis kami sa bahay ni Zedrix. Huhu bagay talaga silang dalawa! Parang pag nakita mo sila may chemistry! Pwede nga silang gawing artista kong papayag! Sigurado akong magkakamdarapa ang nga tao sa kanilang dalawa.
Matagal bago sumagot si Stacey. The first time i saw Stacey I was a bit confused. (Huwag ka nang magtanong kong bakit dahil sa tingin ko ikaw rin naman.) Galaw palang niya parang lalake. Mapgkakamalan siyang tomboy kung wala siya mala dyosang ganda.
"Hello!?" Excited kong bati na may kaunting pagtatanong.
"Sino to?" Inis na tanong.
"Hulaan mo!?" Humagikhik ako.
"Valak?"
•__•
That's my face.
"Si Shine to! Hindi mo ba sinave ang number ko?" Medyo dismayadong sabi ko.
"Hindi naman ako interesado sayo kaya ba't ko e sisave?" Natatawang aniya.
"Ang bad mo talaga!"

BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...