Chapter 13- Skincare

167 12 0
                                    

Stacey's POV


Pano niya ako kilala e ngayon palang kami nagkita. May parte saaking kinabahan. Ewan ko kung bakit niya nasabi iyon.

Nag angat ako nang tingin sakanya.
Binigyan ko siya nang nagtatanong na mukha.

"Your the Granddaughter  of CALVI right?"

Kumalabog nang husto ang aking dibdib dahil sa sinabi niya. Bakit niya alam ang mga bagay na tanging ang pamilya lang namin ang nakaka alam.

Mariin ko siyang tinitigan.

"Your Grandfather is my Idol. I know him because I study har-"

Natigil siya dahil padabog kung ibinagsak ang librong hawak ko.

"Who are you?" tanong ko dahil sa inis.

"Yuan..." tumayo siya at nag bow saakin.
"Cat eye..."

Bakit alam niya ang mga bagay na yan?

Nagbigay galang siya saakin. Alam niya ba kung sino ako?

Umupo siya.

"It's an hono-" hindi niya tinapos ang sasabihin dahil may pumasok. Mabilis kaming nagpanggap na nagbabasa.

"Hi Guys! Dala ko ang pagkain natin!" sigaw ni Yuna.

May sinabi pa siya pero hindi ko na alam dahil nangingibabaw saakin ang pagtataka. Bakit alam nang batang ito ang CALVI at Cat Eye?

Binigay ni Yuna ang plato namay leche flan at fried chicken.
Nasa akin parin ang paningin ni Yuan. Tinitigan ko rin siya nang mariin. Kumuha na lamang ako nang pagkain para mabawas ang kaba at galit na nararamdaman ko.

"Ilagay niyo muna ang libro ninyo sa gilid, baka matapunan nang drinks."

Diba magkapatid sila? Ibig sabihin alam din ni Yuan kung sino ako?

Pero bakit tumahimik si Yuan nang dumating si Yuna? Siya lang ba ang nakaka alam?

Nang matapos kaming kumain ay ipinahiram ni Yuna saakin ang librong binasa ko kanina. Sabi niya pupunta kami sa Gym area nila. Si Yuan naman ay sumama saamin. Gusto niya daw kaming mapanood nang ate niyang mag practice nang routine namin.

Nang makapasok kami doon ay namangha ako dahil kasing laki ito nang gym doon sa pinuntahan namin kanina. Pero mas malaki padin ang saamin doon sa masyon. Marami din silang equipment. Mats din ang maaapakan mo.

Dala ko saaking bag ang ribbon, ball, rope, clubs, binitbit ko lang hoop ko.

Marami akong nakikitang apparatus dito. Magaganda iyon at iba't ibang kulay. Tumambling agad si Yuna paglapag niya nang tubig sa mats.
May salamin sa lahat nang bahagi kaya makikita namin ang aming mga sarili.

Umupo si Yuan katabi nang malaking speaker nila. Doon pwede e lagay ang mga gamit kaya makakalapit ako sakanya.

Nang nakalapit na nga ako ay hindi na ako nagsalita. Tahimik kung nilapag ang mga gamit at umalis na doon. Kahit maraming gumugulo sa isip ko ay pinili kung manahimik at mag focus sa ginagawa.

Ang sabi ni Coach Joy ay mag pe-perform kami sa school, pagbalik nang mga Taekwondo players, Maraming taong manonood kaya kaylangan naming galingan.
Lahat nang appartus ang gagamitin namin.

Kita sa gilid nang mga mata ko ang pagtitig ni Yuan saakin.

Nakapag stretching na kami ni Yuna kanina, kaya ginawa na nalang namin ang lahat nang drills at skills. Nag throw and catching din kami. May duo kami kaya kailangan talaga naming mag practice nang mabuti. Kailangan sabay naming ma Catch ang apparatus nang sabay. Kailangan din sabay ang kilos namin.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon