Chapter 6- Jexi

214 13 0
                                    


Kai's POV


May tumigil na sasakyan sa harap nila Stanlee.

Si Yuna lang pala.

Akala ko kidnapper. Tumakbo si Yuna kung saan sila Stanlee para maka sabay.
Bumaling ako kay Stacey na simple lang manamit kompara kay Yuna. Naka soot si Stacey ng High Waist Jeans, White T-shirt, may print na maliit sa T shirt ni Stacey pero natatabunan ng kanyang maong na jacket. Hindi na niya kailangan mag make up dahil maganda na siya. Natural na mapupula na ang kanyang mga labi at mahahaba ang kanyang pilikmata. Tuwing tinititigan ko ang kanyang malaalim na mata ay para siyang si Emma Wattson, natural lang din ang kanyang kilay, at ang matatangos niyang ilong. Si Yuna naman ay naka floral dress, naka light make up siya at may dalang shoulder bag.

Nang palapit na ng palapit sila Stacey ay nagsimula na namang kumakalabog na ang aking dibdib. Dahilan para hawakan ko ito. First day palang ng klase namin, siya agad ang naoansin ko. Tahimik lang siya at snob. Nung nagkalakas ako ng loob na magpakilala sakanya ay nilampasan niya lang ako. Hindi pa ako kailanman natatanggihan sa buong buhay ko. Maraming babae ang naghahabol saakin. Doon ko lang narealize na iba iba ang mga babae. Alam kung hindi siya interisado sa mga lalaki at pakikipag relasyon dahil sa mga pinapakita niya noong nakaraan ay umiiwas siya sa mga ito.
Siguro hindi pa siya handa. O ayaw niya lang talaga saakin. Pag sumasabay kami sakanila tuwing snack at lunch time maraming tumitingin sakanyang lalaki tuwing dumadaan siya. Pero nakatingin lang siya diretso at hindi pinapansin ang mga nagpapansin sakanya.

My Type.

"Ummm Hi Guys! Good Morning!" maligayang bati ni Yuna.

"Good Morning Yuna, Stacey, Stanlee!"si Edriel na ginagaya ang pagkasabi ni Yuna.

Nagtawanan kami dahil gayang gaya niya.

Pero wala pading reaksyon si Stacey at tumitingin sa kung saan. Si Stanlee naman ay tumatawa.

I find Stacey Mysterious.

That makes me want to know her more. I want to know what's her story. I want to know what's her favorite food. I wnat to know Everything about her.

Nang lumingon siya sa banda ko, at nakita na nakatingin ako sakanya ay lumakas kabog ng dibdib ko. Pero tatlong segundo niya lang ako tiningnan at bumaling na siya sa malalaking kahoy dito sa Park.

"Meowww meow." tumahimik kami dahil sa narinig na pusa.

Tiningnan ko muli si Stacey ng tumayo siya. Hinanap niya ang pusa sa likod ng halaman at kinuha ito. Pumunta siya sa table namin na hawak ang puting pusa. Umupo siya sa upuan na hawak parin ng kanyang kamay ang maliit na pusa.

"Meow." niyakap ng pusa ang braso ni Stacey at pumikit ito.

"Rin are going to keep that thing?" tanong ng nandidiring si Stanlee.
Binalingan siya ng kapatid na may matatalim na tingin dahil kitang kita na nandidiri siya sa pusa.

"Yes Minmin." sagot ni Stacey.

Nagpatuloy kami sa pag pra-pracrice.

Medyo nanigas ako sa part na niyakap ako ni Stacey sa Second Scene.

Namula ako dun.
Kinikilig ako. Pero siya parang wala lang. Actually magaling siya umarte.

Pero nung hinalikan siya sa noo ng kapatid ko? ay ganon din kabilis ang pagkunot ng noo ko. Medyo ayoko sa part na iyon. Nagseselos ako.

Pang limang practice na namin ito.
Pero walang nag bago nag seselos padin ako pag hinahalikan ng kapatid ko ang noo ng babaeng gusto ko.

Mas lalo akong naiirita dahil bagay sila. Huhu.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon