Chapter 47- Broken Promise

122 13 2
                                    

♥️Stacey's POV♥️

Nang matapos ang araw na yun ay nakatalog agad ako. Hindi tulad nung mga nakaraang araw na halos maabutan ako ng ala una kakaisip. Parang naging madali ang pagtulog ko at sobrang gaan din ang pakiramdam ko. S( be a buwan ng Agosto ay naging hectic ang schedule ko dahil sa sasalihan kong kompetesyon.

Tinuruan ako ni Sunshine kong paano maglakad na parang isang babae. Tinuruan niya din ako kung paano kumilos ang isang babae pag nasa kompetesyon. Madalang rin akong nakakapag practice sa routine ko dahil mas pinagtutuonan ko ng pansin ang kompetesyon dahil yun naman ang sabi ni Coach at ni Ma'am Belarmino.

Nang mga buwan ding yun ay mas lalo kong naramdaman ang pag-iwas ni Shay sakin. Madalas ko rin siyang Fri nahuhuli na masama ang tingin sakin. Nung sinubukan ko siyang kausapin ay hindi niya ako sinasagot, palagi siyang gumagawa ng dahilan para hindi namin mapag-usapan ang bagay na yun.

Hindi parin nahahanap si Siri pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Sa tingin ko may nakaalam ng sekreto ng pamilya ko kaya siya ang kinuha dahil babae siya. Medyo kinakabahan ako pero may tiwala ako sa kapatig kong yun. Pinaalala ko na rin kay Minmin ang sekreto namin dahil baka nakakalimutan niya lang.

Patuloy parin ang pangungulit sakin ni Kai pero halos e turing ko siyang hangin. Hindi parin siya sumusuko hanggang ngayon. Sinosuportahan siya ni Edriel. Pumunta nga sila rito nung isang gabi para mangharana sabi ni Manang pero hindi daw ako nagising.

Kinabukasan rin nung araw na medyo nag-iba si Yuna ay kinausap ko siya ng kaming dalawa lang.
Sabi niya sakin ay gusto niya raw na hindi na naming siya kausapin at kaibiganin dahil kinakahiya niya raw nag sarili niya.










🍒FLASHBACK🍒



Hinila ko si Yuna sa tahimik na lugar kung saan walang makakarinug sa pag-uusapan namin.
Kunot noo niya akong tinignan.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya.

"Gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganyan."

Napabuntong hininga siya at nagbaba ng tingin.
"May problema lang sa bahay at sa sarili." Aniya.

Gusto kong malaman kong ano kaya nagtanong ako.

"Anong klase problema yan? Kaya mo bang ibahagi sakin?" Tanong ko.

Matagal bago siya nagsalita. Kitang kita ko na nagdadalawang isip siya na sabihin sakin. Panay lunok niya at iwas ng tingin sakin.

"Pinagalitan kasi ako ng Mayordoma namin nang matagalan ako sa pag-uwi. Sinumbong niya ako sa mga magulang ko na hindi raw ako nag training at gumagala gala lang daw ako. Pinagalitan din ako ng mga magulang ko dahil sa pagiging pasaway ko raw."

Tumango tango ako.

"Nang mga panahong yun hindi pa nawawala ang dysmenorrhea ko tapos pinaulanan pa ako ng pangangaral ng mayordoma namin."

Dapat hinayaan na muna siyang mag explain ng mayordoma nila bago siya husgahan ng ganon.

"Pumasok din sa isip ko na hindi ako deserving na maging kaibigan niyo dahil medyo bobo ak-"

Kumunot noo ko. "Wag mong sabihin yan dahil umiinit ang dugo ko. Tandaan mo na hindi ka namin kinaibigan dahil sa kung anong meron ka. Kinaibigan ka namin dahil sa ugali mo." Sabi ko.

"Pero kasi minsan nakukumpara ko ang sarili ko sainyo. Hindi ko talaga maiwasang isipin na ako lang ang naiiba sainyong lahat." Nagbaba siya ng tingin.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon