♥️Stacey's POV♥️
Ano to?
Kanino ako sasakay?
"Bakit ka andito?" Tanong ko kay Zedrix.
May dala siyang pagkain. "Susuduin sana kita." Aniya.
Nilingon ko si Dylan. Nakapamaywang siyang nakatingin samin na para bang inunuutusan akong pumunta sakanya.
Tss hindi bagay.
"Dylan nagmumukha kang strict na uncle diyan!" Sigaw ko sabay tawa.
Lumapit siya samin ni Zedrix at taas noong nakatingin sakanya.
"Ako na ang maghahatid kay Stacey." Aniya.
Tinignan ko si Zedrix. Gaya ng parati niyang ekspresyon tuwing nagsasalita at lumalapit si Dylan ay salubong ang kanyang kilay at kunot ang noo.
Gusto kong matawa dahil mas lalong na define ang features niya tuwing seryoso ang kanyang mukha."Siya ang mamimili kong kanino niya gustong sumakay." Nahimigan ko ang inis sa kanyang boses.
"Obviously? Ako ang sumusundo sakanya palagi kaya sakin siya sasakay." Humakbang siya ng kaunti.
Pinag krus ko ang braso ko. "Araw-araw ba talaga kayo mag-aaway?" Natatawa kong tanong.
Nilingon nila akong dalawa.
Napabuntong hininga na lamang ako at tinignan si Zedrix. "Kay Dylan ako sasakay." Sabi ko sakanya.
Nakita kong medyo nadismaya siya sa sagot ko pero pinanatili niyang seryoso ang mukha. "Are you sure?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Tara na po." Si Dylan.
Tumango ako. "Mauna ka na kakausapin ko lang to."
Tumango siya at dinapuan muna ng masamang tingin si Zedrix bago kami tinalikuran.
Binalik ko ang tingin kay Zedrix.
"Una na ako." Sabi ko sabay talikod, pero nahuli niya ang mga kamay ko kaya nilingon ko ulit siya at bumalik sa pwesto kanina.
"What?" Tanong ko.
Nag-iwas siya ng tingin. "Sakin ka nalang sumakay please..." Aniya.
Para siyang anghel na nagmamakawa para lang manatili ako sa tabi niya. Matangos ang kanyang ilong kaya medyo nadidistract ako pag nagbaba siya ng tingin.
"Hindi pwede." Malamig kong sinabi.
Nung mga nakaraang araw may naramdaman akong kakaiba kay Zedrix. I mean like pag nandyan siya para bang kailangan ko siyang ingatan at pagtuonan ng pansin dahil masasaktan ang pag hindi. I already have a hint that their is something in my heart.
I don't know, I'm confused.
"Just one minute, let me hold your hand."
Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay naming magkahawak. Uminit ang pisngi ko at bahagyang nag-iwas ng tingin para maitago ang multong ngiti saking labi.
Ibang kasiyahan nag naramdamn ko sa mga panahong ito. Malayo ito sa nararamdaman kong kasiyahan pag may bagong skill akong natutunan.
Malayo ito sa nararamdaman kong kasiyahan nung naglalaro kami sa ulan ng mga kapatid ko.Hinayaan ko siyang gawin yun sakin ng isang minuto. I know kilala niyo ako bilang mainitin ang ulo at strict pero...
Iba na to.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomansaWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...