Chapter 7- Cherry

213 12 0
                                    


Yuna's POV


Si Stacey nalang ang naglalaro ngayon at wala ni isang bola ang hindi niya nahuhulog!

At maraming na ang tickets na nilalabas ng machine. Hindi ito tumitigil sa paglabas! Napakarami na ng nakuha niya! Pwede kaming pumunta sa counter at ipagpalit ang mga tickets nayan!

Ang anim na lalaki ay natutula sa pinagsamasamang ticket na nakuha nila. Binilang nila kung ilan.

Sampu lang.

Habang kay Stacey ay hindi na mabilang sa sobrang dami.
Pinagtitinginan kami ng mga tao dito.
Namamangha silang panoorin si Stacey na nag ba-basketball.

Pinalibutan na kami ng mga taong naglalaro kanina.

"Ang galing niya."
"Ang ganda pa."
"Ang dami na niyang tickets."

Yan ang naririnig namin sa paligid.
Nagpatuloy sa pag shoot si Stacey at patuloy din lumalabas ang ticket sa machine.

Hanggang may nakalagay sa machine na.

OUT OF TICKETS.

Kaya natigil na siya at kinuha ang pusa chaka pumunta sa gawi namin.

"Ummm Stacey yung tickets mo."

Tumingin siya sakin nang nag tatanong na tingin.

"Anong tickets?" tanong niya.

Wait What?

Hindi niya ba napapansin na may lumalabas siya machine? So kanina pa niya hindi alam!

Bumaling siya sa machine at nakita ang maraming tickets na naroon.

"Sayo nalang ang lahat nang yan. Hindi ko yan kailan." simpleng sabi niya. At naglakad lakad sa ibang machine. Pinag titinginan siya ng mga tao na may pagkamangha.
Nasa kanyang braso ang pusa kahit saan siyang machine pumupunta.

Nagulat ako sa sinabi niya na akin na ang lahat ng tickets na yan! Ang dami! pwede ko yang e punta sa counter at mamili nang pwede e palit.

Nakatinginan ang anim at natawa.

Dalidali kung kinuha ang nga ticket at inayos ko ito. Sa sobrang dami hindi ko na kayang tumayo. Tiningnan ko ang anim at nag uunahan sila sa pagpunta saakin para tulungan ako.

Noong bata palang ako palagi kaming pumupunta nila daddy dito. Maliit lang ang nakukuha naming tickets.
Tuwing linggo ay nakakakuha ako ng 50 tickets. Iniipon ko ito at nilalagay sa closet. Umaabot ng dalawang taon ang pag iipon ko kaya mga malalaking prices ang pwede kung exchange.
Pero ngayon hindi ko alam kung ilan ang nasa kamay namin.

Nang na ayos na namin ang lahat.
May nakita akong pinalilibutan ng mga tao sa malayo.

"Ano kaya ang pinalilibutan doon?" tinuro ko sakanila.

Bumaling sila doo at umiling.

"Hindi ko alam." simpleng sagot ni Andrey.

"Puntahan natin Dre! Baka merong away dun!" exited na sabi ni Edriel.

Natawa kami sakanya at umiiling iling.

Tinulungan nila ako sa hawak kung tickets. Kahit pito kami at hinati hati namin ito, ay punong puno ang mga kamay namin at halos hindi na kami maka hawak ng ibang bagay dahil
Kaliwat, kanan ang dala naming ticket!

Ganoon karami ang nakuha ni Stacey kanina.

Nang lumapit kami sa Pinapalibutan ng mga tao ay nakita ko si Stacey na nag lalaro ng isang machine kung saan Merong mga mamahaling gadgets sa loob.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon