Chapter 21- Muta

127 9 0
                                    

♥️Yuna's POV♥️

"May muta ka."

WHAT!!!

No!

Shit!

Fuck!

Nagbaba akong tingin.
Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil sa kapal ng mukha. Ang kapal ng mukha kong maglakas loob na tumitig sakanya habang may muta ako!

Dahil sa kahihiyan ay nagpaalam ako sakanya na pumunta ng Bathroom. Nang makapasok na ako ay nahilamos ko ang aking mga palad.

Ang kapal ng mukha ko kanina.

Sobrang kapal.

Nakakahiya! Nag angat ako ng tingin sa salamin.

Shit.

Sobrang bilog! at sa dalawang mata ko pa! Kaya pala naiilang siyang titigan ako dahil dito! Pero ako? Halos hindi ko matanggal ang titig ko sakanya kanina pero may muta pala ako!? Wala na akong maihaharap na mukha sakanya. Kung si manang nakapansin ay okay lang dahil mabait naman siya, sigurado akong maiintindihan niya.

Pero si Darryl talaga?

Tinanggal ko ang ito at mabilis na naghugas ng kamay. Sirang sira na ang image ko sa lalakeng yun!
Ikaw ba naman sabihan na may muta!? Sa gwapong tulad niya pa!

Sinapo ko ang aking noo.

Ilang minuto bago ako nakapag desisyon na lumabas sa CR. Pabalik balik kong tinignan ang mukha sa salamin para makasiguro na wala na talaga. Nakakahiya naman diba kung lalabas akong may muta ulit.

Uuwi nalang siguro ako kapag nagkataon na mangyari yun. Bahala na kung pagalitan ako ng mga magulang ko dahil sa pag liban ng klase.

Hindi pa ako nakakalabas sa banyo dahil kailangan kong ayusin ang mukhang ihaharap ko. Prinaktis ko na din ang sasabihin ko. Sa huli, hindi padin ako tuluyang nakalabas dahil kinakabahan ako, samahan mo pa ng hiya. 

Isang oras siguro bago ako nakalabas. Magpapanggap nalang akong walang nangyari para hindi gaanong nakakahiya. Paglabas wala na siya sa kina uupuan niya kanina. Lumingalinga ako kong saan pero hindi ko siya nakita.

Salamat.

Confident akong naglakad papuntang kitchen dahil baka umuwi na yun. Ano kayang iisipin ni manang pag nalaman niya isang oras ako roon sa CR? Alam niya na for sure dahil isang oras ako nawala at ngayon lang bumalik.

Nang makarating ako sa kitchen, nalaglag ang panga ko sa nakita.

Shit.

Akala ko ba uwuwi na yan?

Nakita ko si Darryl Kumakain ng Breakfast kasama si manang. Sobrang nakakahiya. Sa sobrang confident kong maglakad kanina ay baka sabihin niya na proud na proud akong may muta ako kanina!

Tumayo agad si manang para paupuin ako. Inalalayan niya ako at binigyan ng plato. Hindi ako makatingin kay Darryl dahil sa sobrang kahihiyan. Sa isang oras ko sa banyo hindi ko nahanda ang sarili ko pag naging ganito ang sitwasyon. Sobrang nakakahiya. Nagbaba ako ng tingin para hindi niya makita ang mukha ko. Hindi ko nalang tatanggihan si manang na kumain para malibang naman ako kahit papaano.

Maraming tanong si manang tungkol kay Darryl pero ang simpleng sagot lang sinasabi nito at hindi ang mahabang eksplenasyon. Nakikinig lang ako pero kailanman hindi ako nag angat ng tingin.

Nang matapos kami sa pagkain ay nag desisyon akong pumunta sa Garden. Nagpaalam ako kay manang na pumunta roon dahil hindi niya naman ako pinayagan maghugas ng pinagkainan namin.
Tinawag ako ni manang para makalapit sakanya saka bumulong.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon