♥️Ian's POV♥️
"Are you making fun of me Lazzaro!?" Inis na tanong ni Tyra sa kausap niya sa telepono. Salubong ang kilay niya pero halatang nag-aalala.
Nasa dalampasigan kami ngayon ni Tyra, nagpasama siya sakin para bumili ng buko. Umuwi kami kaninang mga alas tres dahil sa pagod. Plano naming sa Sohoton naman ang punta namin bukas.
Kakabihis ko lang ng bagong damit dahil sa pagkakabasa kanina, gusto ko ng mahiga sa kama lara malatulog pero hindi ko naman ma tanggihan si Tyra.Marami kaming napuntahan na Lagoon, lahat ng nakitanaming anyong tubig ay niligoan namin. Kaya siguro pagod na pagod ang mga kasama ko.
"Langya, naiinis na 'ko sa inyo ah! Bakit hindi niyo rin ma kontak!? Napa ka bobo naman ng rason mo." Sa mukha palang ni Tyra galit na galit na talaga siya. "Pag nakita ko 'yang mga pagmumukha niyo makakatikim talaga kayo." Inis niya tinapon ang cellphone sa buhangin bago kinuha ang buko.
Naka upo lang kami dito para maghintay ng sunset.
Yes.
Gusto niya ring isama akong manood ng sunset.
"Anong meron?" I asked.
She rolled her eyes at ginulo ang buhok. Galet na galet gustong manakit. HAHAHHAHAHA
"Hindi daw umuwi sa bahay ang kambal."
Gulat akong napatingin sakanya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Mahirap intindihin ang sinabi ko?" Inis niyang tanong.Pareho din pala sila ng ugali ni Stacey, HAHAHAHAHAHA mainit ang ulo. Bahagya akong natawa.
"Ikaw na ang bahalang isipin, jusko baka mapagilatan kami ng mga ankan namin." Tinali niya ang kanyang buhok. "Alam mo bang kanina palang ng umaga nag duda na 'ko sa text niyang si Minmin? Bakit naman sayo magpapa alam 'yon? Ako 'yung pinsan niya, animal talaga, naiinis na'ko, pag ito nalaman ng mga magulang namin malilintikan kami pareho."
"Bakit naman?"
"May mga kailangan kaming sundin sa pamilya namin, hindi kami ordinaryong pamilya na makikita mo lang sa paligid." Seryosong sinabi niya habang nasa malayo ang mga mata.
"Huh?"
Inis niya 'kong nilingon. "Hindi mo parin maintindihan?" Tinampal niya ang braso ko.
"Awts gege, joke lang, gusto ko lang malaman kung bakit."
Kilala niyo 'ko bilang maingay na tao pero sa mga sekretong nalalaman ko hindi ko kailanman pinagsasavi 'yon.
"Basta! Baka mapahamak pa 'ko kung makikipag chikan pa ko sayo tungkol sa pamilya namin."
I nodded at binalik sa harap ang paningin.
Naging tahimik ang ilang minuto namin. Biglang naupo si Zed sa tabi ko kaya pareho kaming napalingon ni Tyra dito.
"Makiki-upo lang muna ako, hindi nag re-reply si Stacey." Aniya.
Tumango naman ako. Kulay kahel na ang langit, kaya sobrang ganda ng view namin.
Napalingon ulit kami nang may maupo sa tabi ni Tyra.
"Kakagising ko lang, tulog pa si Yuna at Ruby." Si Andrey. Naka soot lang siya ng sando at khaki shorts. Magulo ang buhok pero nagmana nga talaga sakin, gwapo parin.
"Makiki-upo lang din muna kami." Napalingon kaming lahat sa likod.
Si Edriel at Kai.
Umayos ako sa pagkaka upo nang magtama ang paningin namin ni Edriel. Seryoso ang mga mata niya, siya na din ang unang nag iwas ng tingin dahilan kung bakit nakaramdam ako ng kirot sakin dibdib. Binalik ko na lamang ang tingin sa harap at inayos ang buhok, para maging presentable naman ako sa harap ng mga kasama.

BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomansWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...