Chapter 46- Ring

126 10 0
                                    

♥️Stacey's POV♥️

"Ihatid na po kita sa school Miss." Ani Dylan.

Umiling ako.

"Nandyan si Manong kaya wala ka nang dapat ipag-alala." Sabi ko.

Tumango naman siya at yumuko para magbigay galang.

Nang maka-akyat ako kanina sa taas ay naghanda na ako para sa skwela. Nang makababa naman ako ay kompleto na sila sa hapag. Naroon din si Manong umiinom ng kape. Marami silang nagpag-usapan sa hapag pero hindi na ako nagsalita.

Nang matapos kaming kumain ay nauna na akong lumabas, dun na ako hinabol ni Dylan para sabihing siya na ang maghahatid sakin. Andyan si Manong kaya hindi ko kailangan ng tulong niya.

"Alis na po ako." Aniya.

Pagka-alis niya ay saka lang sabay na lumabas si Zedrix, Minmin ay Manong. Si Manang naman ay nasa likod nila. Lumapit si Zedrix sakin.

"Anong sabi niya?" Tanong niya.

"None of your business." Nakangising sabi ko.

Kumunot ang noo niya at kung makatingin sakin ay parang may ginawa akong kasalanan sakanya.

"Ano na namang problema niyong dalawa?" Sumulpot si Minmin at inakbayan si Zedrix.

Tinapik ko ang braso ni Minmin at Zedrix bago pumasok sa sasakyan.

Naging tahimik ang byahe namin at wala namang naging problema. Nang marating na kami sa Parking Lot ay agad na akong bumaba sa kotse. Naunang nag park samin si Zedrix kaya nauna din siyang lumabas samin. Nagkasabay kami sa paglalakad. Medyo basa pa ang buhok ko kanina pero natuyo lang siya dahil sa malakas na hangin na sumalubong sakin habang nasa byahe. Ginagawa kong blower HAHAHAH!

Naramdaman ko ang yapak ni Minmin sa Likod namin pero hindi siya lumapit.
Marami nang tao sa Campus at tuwing namamataan nila kami ay halos hindi na matanggal ang paningin nila. Ang iba ay palihim na kumakaway kay Zedrix. Kay Minmin naman ay lumalapit talaga.

Nang makarating kami sa Classroom ay biglang tumahimik ang mga kaklase ko.

Dahil ha ito absent ako kahapon? O kasama ko si Zedrix na mahal na mahal nila?

Tss.

Inirapan ko ang lahat at dumiretso sa aking upuan. Binati ako nila Andrey pero hindi ko man kang sila dinapuan ng tingin dahil badtrip na naman ako ngayong umaga. Nang makaupo na ako ay nilingon ko ang malawak na Sports Center. Hinanap ko yung babaeng mataba na palagi kong nakikitang tumatakbo, pero wala akong nakita na malaki ang katawan.

Lumaylay ang balikat ko. Gusto kong makita ang pagbabago ng katawan niya. Gusto kong makita na dadaanan niya nalang ang mga taong nagpababa ng self esteem niya, gusto kong makita na maging confident siya sa sariling ganda niya.

Pero hindi ko siya nakita.

Nasa Gym ba siya?

Hindi ko alam kong anong pangalan niya pero gusto ko siyang makikilala.

Lahat naman tayo may insecurities. Meron din ako.

Kinuha ko ang Jacket sa bag at sinoot iyon. Napabuntong hininga na lamang ako. Pumayat nga ako. Mas lalong lumuwag ang jacket ko, ang clavicle ko naman ay sobrang halata na. Ang check bones ko ay mas lalong nahahalata. Ang madidilim kong mata at Cat eyes ay mas lalo lang dumilim.

Mas lalong lumiit ang tiyan ko.

Malaki laki talaga ang problema kong ito.

Nawawalan ako ng gana tuwing naalala ko na naman ang problema. Nagpakawala na naman ako ng malakas na buntong hininga.
Nag-angat ako ng tingin ng makita si Yuna na papasok sa Classroom. Tuwing dumadating siya ay dumadaan muna siya kina Andrey para makipag usap at makipag tawanan.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon