Chapter 28- Voice

129 12 0
                                    

🌷Stacey's POV🌷

Nagising ako mula sa isang panaginip. Inikot ikot ko ang aking ulo. Nanaginip na naman ako. Tumayo ako at tinignan ang sarili sa salamin. Dahil siguro sa gutom nanaginip ako. Hinawakan ko aking labi. Yun ang unang halik ko pero sa panaginip lang. Hindi ako makapaniwala na hinayaan ko ang aking sarili na magpaubaya sa lalakeng iyon. Sa panaginip ko pakiramdam ko mahal na mahal ko siya. Hindi ko nga kilala ang lalakeng yun. Hinalikan niya ako at hinalikan ko rin siya pabalik. Ala una na pero wala pa akong almusal at tanghalian.

Nagtungo ako sa pinto at lumabas roon. Maingay ang sala dahilan ng pagkatigil ko.

"Mahirap gisingin si Stacey! Naku! Baka malipasan yun ng gutom! Anong oras na oh!" Nag aalalang sinabi ni manang.

"Ako nalang po ang gigising sa kanya." Tinig ni Kai. Nakita ko siyang tumayo pero nagsalita bigla si Zedrix.

"Ako na." Tumayo narin siya sa pagkakaupo at dumiretso na sa hagdanan. Medyon nagulat pa siya nang makita ako. Napa atras siya. Kitang kita ko ang pagka out balance niya. Binilisan ko ang pagbaba at hinawakan ang ulo niya. Napunta ang kanyang ulo saaking dibdib. Medyo naging awkward ang aming posisyon dahil nabaon ang kanyang ulo roon. Aatras sana ako pero dahil hagdanan yun hindi ko nagawa. Binitawan ko siya at nagmadaling bumababa.

Nasa amin ang mga mata nila kaya mas lalo akong nahiya sa nangyari. Sana pala hinayaan ko nalang siyang mahulog. Pasimple ko siyang nilingon. Natulala siya at yumuko. Sinilip ko ang mukha niya. Namumula ito. Naging maroon na ang kulay niya.

"Ano nga palang sadya mo dito Kai?" Tanong ko.

Change topic.

"Pauuwiin ko lang tong kapatid ko Stacey." Matamis siyang ngumiti saakin. "Medyo may hindi kasi sila pagkakaintindihan ni Papa."

Tumango lang ako at ibinalik ang paningin kay Zedrix. Kinuha ko ang pitsel at sinalinan ng tubig ang baso saka ininom. Nag angat siya ng tingin sa kanyang kapatid.

"Dito muna ako titira." Seryosong sabi niya.

Naibuga ko ang iniinom sa harap. Si Minmin ang nasa harap ko kaya basang basa siya ngayon.

"Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ni Kai.

"Sa labas nga kayo mag usap!" Inis kong sigaw. Wala ako sa mood dahil bagong gising ako, tapos mag aaway pa sila sa harap ko?

"Rin hayaan mo sila." Malamig na sinabi ng aking kapatid. Inis ko siyang nilingon.

"Ikaw nalang lumabas!" Inis kong sabi.

"Kumain na muna kayo." Si manang.

Napatingin kaming lahat sakanya at bahagyang nahiya sa mga sigawan. Nagbaba ako ng tingin. Alam kong pagod si manang. Siya ang nagluto at pumunta pa kami sa palengke kaninang umaga.

"Kain muna tayo mga bro!" Masayang inimbita ni Minmin ang dalawa. Inakbayan niya pa ito.

Umirap ako.

Pinaupo sila ni manang sa bakanteng upuan. Uupo sana si Kai sa tabi ko pero naunahan na siya ni Zedrix. Matalim niyang tinitigan ang kapatid. Nang makita ni manang iyon ay palihim siyang ngumisi.
Iminuwestra niya ang bakanteng upuan kay Kai. Napipilitang umupo roon si Kai. Hindi niya parin tinatanggal ang tingin kay Zedrix.

Nang matapos kaming kumain ay nag desisyon akong pumunta nalang muna ng Gym. Doon nalang ako mag e-ensayo ng routine. Pwede rin naman sa school pero baka ako lang mag isa roon. May sariling Gym sina Yuna kaya sigurado akong doon siya mag e-ensayo, nakakahiya naman na sabihin ko sakanyang makikigamut rin ako sa Gym nila. Kung naroon lang ako sa mala palasyo naming mansyon ay sigurado ako araw araw akong naroon sa Gym.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon