Chapter 3o- Leotard

130 11 0
                                    

♥️Stacey's POV♥️

Sinara niya agad ang pinto ng makita ang gulat kong mukha. Hindi pa mag sink in saakin ang nangyari dahil sa hiya. Tulala kong tinitigan ang sarili sa salamin. Para akong tanga dahil sa ginawa ko kanina! Sobrang ikli pa nung soot ko! Sinapo ko ang noo dahil sa kahihiyan.

Nakakahiya!

Mabilis kong hinubag ang Leotard at nagpalit ng pambahay. Ipapahatid ko nalang kay manang ang pagkain ko mamaya dito sa kwarto.

Idunnoo.

KINABUKASAN

Nahulog ang alarm clock dahil sa paghampas ko ng unan. Ngayon ang performance ko kaya medyo excited nako. Bumangon ako at kumuha ng Roba. Hinatid ni manang kagabi ang pagkain ko sa tanghalian at hapunan, hanggang pinto lang siya dahil binuksan ko agad siya ng isang katok pa lang.
Hindi narin siya nagtangon kong bakit ayaw kong bumaba dahil sanay na siya saakin na hindi nakakakiha ng tamang sagot.

Nang matapos ako sa pagligo ay lumabas agad ako. Walang klase ngayon kaya hindi ako magdadala ng mga gamit pang eskwela. Nilagay ko sa bag ang Leotard, Skin tone cycling, tubig, tuwalya para sa pawis, dalawang extra t-shirt, leggings, half shoe, apparatus, maong jeans at pantali sa buhok. Sabi ni Maam Joy ay may make up artist daw siya para saamin, yun narin daw ang mag aayos ng buhok namin.

Hindi ako nakasoot ng uniform ngayon, naka pink track pants ako at naka peach top. Sinabit ko na ang bag saaking balikat at nagpaalam na kay Jexi. Nang matapos ay lumabas na ako sa aking kwarto. Nagtatawanan sila sa hapag, nandon si Manang, Manong, Minmin, Kai, Zedrix.

Mabuti nagising ng maaga.

Natahimik sila ng bumaba na ako sa hagdanan na para bang nakakita ng multo. Nakasabay ko ng pala kanina si Zeus sa pagtakbo. Binati niya ako pero tanging yun lang ang nasabi niya, hindi din siya nagpaalam saakin. Hindi ko na din siya nilingon dahil busy ako sa pag-iisip ng mangyayari mamaya sa Performance ko.

"Hija halika!" Imbita ni manang.

Umupo ako sa pwestong upuan ko. Dito ba talaga titira ang magkapatid na yan? Halatang komportable sila sa bahay namin. Akala ko hindi nila tututohanina ang pagtira dito.

"Mornin'." Si Zedrix.

"Morning." Bati ko sakanya.

"Good Morning Stacey." Si Kai.

Tumango lang ako sakanya. Alangan naman paulit ulit ako. Nagsimula na akong kumain. Nag angat ako ng tingin kay Minmin. Sa pagkain lang ang kanyang mga mata. Galit pa rin ba siya sakin?

"Ngayon ba yung performance niyo?" Tanong ni manang saamin.

"Opo." Sabay na sinabi nina Zedrix at Kai.

"Naku galing niyo! Sana manalo kayo!" Excited na sinabi ni manang.

"Ahh hindi po yun kompetesyon." Nahihiyang sabi ni Kai.

"Ahh ganon ba? Ano pala?"

"Kailangan lang po naming mag perform sa harap ng mga estudyante para ganahan silang sumali sa mga sports." Si Zedrix.

"Ahhh yun pala yun." Tumatangong si manang.

"Kayong mga Taekwondo? Mag peperform din ba kayo?" Tanong ni Manong.

"Ahhh hindi po, yung mga ivang kasama lang namin na hindi nakasaman sa kompetesyon." Si Minmin.

"Mag sosoot po kami ng Dobok pero manonood lang kami sa gilid." Si Zedrix.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon