Chapter 51- Hate

110 17 2
                                    

♥️Stacey's POV♥️

Dumating ang araw ng Biyernes. Nalaman kong wala ng kinalaman ang pamilya ni Ian. Hindi pribado ang kanilang buhay kaya madali ko iyong napasok. Nung mga nakaraang araw ay nagpunta ako sa mansyon nila. Pinasok ko lahat ng kwarto at ibang bahagi ng kanilang mansyon. Sa ibang ari arian naman nila ay si Dylan at Darryl ang inutusan ko.

Mabuti nalang at nagpautos si Darryl. Phew...

Tss

Lahat ng koneksyon na meron ang pamilya ni Ian ay inembestegahan ko rin. Wala talaga. Inocente ang pamilya nila.

Isusunod ko si Andrey.

Nakapunta na kami sa mansyon nila pero wala pa akong alam nun. Wala rin naman akong napansing kakaiba sa bahay nila kaya hindi na ako nagtaka. Pero iba na ata ngayon. Kailangan kong mag-ingat sa kinikilos ko.

Ganon din ang ginawa ni Minmin. Sina Yuna ang pinag-aaralan niya. Araw-araw kaming nag-uusap at nagpaplano kung anong sunod na gagawin namin.
Sinasama narin namin sina Dorothy at Dylan paminsan minsan, kung may oras pa sila.

Hindi biro to.

Malalaking pamilya ang ginagalaw namin. Kung sakaling mahuli kami ay baka ano na namang mangyari samin. Pero imposible atang mahuli kami gayong hindi man lang nag kalahati sa galing ko ang mga bantay nila sa kanilang mga ari-arian.

Tuwing pumapasok ako sa mga pribadong pag-aari nila ay dinadala ko ang Katana. Mas madali itong gamitin kesa sa Baril. Magaling akong umasinta sa Pana pero mas gusto kong gamitin ang Katana. Mahusay akong gumamit ng iba't ibang klase ng Baril, kahit sobrang layo mo tatamaan ka talaga sakin.

Mahilig ako sa madugong laban. Mas masaya yun kesa sa magsakitan ng damdamin. 

Minsan hindi na ako nakakakain ng maayos dahil sa mga problema. Tuwing nag te-text si Zedrix sakin ay hindi ko na siya nirereplyan. Lagi niyang pinapaalala sakin na kumain at matulog ng maaga. May kiliting dulot yun sa puso ko pero hindi ko kailangan ng tulad niya.

Zedrix:

Are you awake?

I was about to reply pero pinigilan ko ang sarili.

Tss

Marupok.

Sige na nga last na to.

Ako:

.

Its means yes! Gising na ako dahil nakapag reply na ako ng period. No need to say yes just period.Pinatay ko na ang cellphone ko at nilagay sa side table. May lakad kami bukas ni Sunshine ewan ko kung kasama ba si Ruby. Tutulangan niya akong mamili ng sosootin para sa monday. I know it's a bit ummm I don't know what to say anymore, I'm out of words. Nakalimutan ko agad kung anong sasabihin ko.

Kahapon, nakita ko ang grupo ni Chamberly na nagtatago sa isang halaman habang pinapanood ako.
Ang tanga naman kasing magtago. Nakikita ang mukha nila habang nakatingin sakin.

Tss

Mabuti nalang at may lakad ako kahapon, kung wala baka pinatulan ko na ang mga yun. Nakakainis lang tignan ang mga mulha nila, kung makatingin parang diring diri sa soot kong oversized t-shirt at cargo pants. Parang mga tanga...

Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng banyo. Nilagyan ko ng Cat food ang lalagyan ni Jexi. Hindi pa siya gising pero kailangan ko ng lagyan dahil pag nagising na siya may nakahanda ng pagkain. Ganyan ko siya ka mahal.

Inayos ko ang aking bag at nilagay roon ang mga kailangan. Mag-iisip pa akong kakantahin ko para sa Talent, dahil hanggang ngayon! Hindi ko pa alam. Ang dami kung alam na kanta at marami akong paborito! Pero walang pumapasok sa utak ko kung anong kakantahin ko. 

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon