♥️Yuna's POV♥️
Miyerkules ngayon kaya kailangan kung mag handa nang pang jogging ko mamaya sa Sports Center. Napagkasunduan kasi namin noon na mag jo-joging kami tuwing wednesday nang hapon.
Nilagay ko sa bag ko ang croptop jacket at leggings.
Nasa locker ko na ang sapatos na sosootin ko kaya ito lang ang dadalhin ko. Matatapos ang training namin ay 4:00pm hindi na mainit niyan pero nagdala padin ako nang sumbrero at sunscreen.Wala sina Stanlee kaya walang maghihintay saamin tuwing matatapos kami. Miss na miss ko na sila.
Palagi ko yang sinasabi sa group chat namin. Yan din naman ang sagot nila.Nang matapos akong maghanda ay bumaba na ako para kumain. Kanina pa ako tinatawag ni manang at kinakatok. Natagalan kasi ako sa paghahanap nang masosoot mamaya.
Ako lang naman siguro ang maarte sa mga gymnasts. Niyaya ko din si Shay at Ruby, pero sabi nila ay sa library sila pupunta pagkatapos nang klase. Sinali ko na din si Ruby sa Group Chat.
Nag DM kasi si Andrey na e add ko daw si Ruby dun at kaibiganin.Wala naman akong problema dun dahil gusto ko talagang magkaroon nang totoong kaibigan. Kahit iba ang hilig namin nina Shay at Ruby, komportable talaga akong kasama sila.
Kahit kailan hindi talaga ako dumaan sa pagkahilig sa libro. Meron naman akong nahawakan na libro pero tanging mga litrato lang ang tinitingnan ko at hindi ang mga naka sulat room. Tanging pagsasayaw lang ang ginagawa ko.
Pagbaba ko ay nakita ko na agad si Yuan sa hapag, katabi ang isang libro. Healthy lahat ng kinakain niya hindi katulad nang saakin.
"Good Morning Baby boy!" Bati ko tiyaka lumapit sakanyan para humalik. Iiwas sana siya pero huli na ang lahat dahil nahalikan ko na ang kanyang noo.
"I'm not a Boy! Sœur aînée." Si Yuan.
Natawa ako dahil sa reaksyon niya. Nagagalit talaga siya pag tinatawag ko siya Boy. Hindi ko na siya pinansin. Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimula nang kumain.
Naparami na naman ang kinakain ko. Ako lang ba yung kumakain na nang marami pero hindi parin tumataba? Hindi ko na kailangan mag diet.
Nang matapos akong kumain ay nauna na ako sa kapatid ko. Gaya nang parati kung ginagawa, hinahalikan ko ang noo niya bago kumaripas ng takbo. Nang makalayo na ako ay nilingon ko siya.
Nawawalan na siya nang pasensya saakin. Nasa lamesa na ang kutsara niya, hinawakan niya ito nang mariin na tila gusto niya ibato saakin ito. Nang aamba na siyang ibato saakin ay tumakbo na ako papasok sa sasakyan.
"Hooh!" kunwaring tinatanggal ko ang pawis sa noo ko. "Tara na manong!" Nang makita ko ang kapatid ko sa labas nang sasakyan. Hindi niya ako nakikita sa loob pero kung maka tingin siya ay parang nakikita niya ako.
Hawak niya parin ang tinidor.
"Maam baka masagasaan si Sir."
Oh shit.
Hahaha.
Binuksan ko ang bintana at sinigawan siya.
"Alis Yuan!" Natatawa kung sigaw.Umalis naman siya pagkatapos nun. Habang nasa byahe kami ay panay ang kwento ni manong tungkol sa buhay niya noon. Pala kwento talaga si Manong kaya hindi ako na babagot tuwing pumupunta kami nang school. Kinukwento niya din yung high school life niya. Natatawa kami pareho tuwing nakakatawa ang kinukwento niya.
Nagpaalam muna ako kay manong bago lumabas ng sasakyan. Nang makapasok ako sa gate ay inirapan agad ako ng nga babae.
Ito talaga ang palaging sumasalubong saakin tuwing pumapasok ako. Nakakapagod man ay nasanay nadin ako, na iba ang tingin ng ibang tao saakin.
Hindi nila ako kilala kaya ganyan sila. Nung nasa dati kung school pa ako ay may tatlo akong naging kaibigan. Si Chloe, Clara, Crizza. Si Chloe at Clara ay Bitchy type. Si Crizza naman ay nerd type. Matalik ko na silang kaibigan simula nang grade school palang kami. Halos hindi kami mapag hiwalay. Tuwing sabado ay nag sle-sleep over kami.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...