Chapter 36- GomBurZa

118 9 0
                                    

♥️Kai's POV♥️

Nang maka uwi kami sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto, kahapon pa kami away ng away ni Zed. Aaminin kong ako ang nagsisimula ng gulo, pero nagagawa ko lang yun dahil sa selos. Gusto ko siyang sapakin dahil pinangako niya sakin na hindi siya magkakagusto kay Stacey. Pero sa paraan ng pagtitig niya rito ay alam kung may nararamdaman na siya.
Gagawin ko ang lahat para mapasakin lang si Stacey.

Kahit masira ang relasyon namin ni Zedrix. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko. Makikipag kompetensya ako kung kinakailangan. Hindi ako papayag na hindi mapasaakin si Stacey.

Saakin lang siya.

Liligawan ko na siya simula bukas.

Tinawag ako para kumain na. Makakasabay ko na naman ngayon si Zedrix. May alitan sila ni Papa dahil nakialam si Papa sa properties ni Zedrix.

Nang maka upo na ako saaking pwesto ay nag angat ako ng tingin kay Mama at Papa. Hinihintay nalang namin si Zedrix ngayon.

"Ma, Pa." Tawag ko.

Sumilay ang ngiti sa labi ng aking ina. "Ano yun anak?"

Sanay kaming nagsasalita ng French kaya medyo nahihirapan si Mama na magsalita ng tagalog.

Umupo si Zedrix sa pwesto niya at nag angat ng tingin saamin.

"May liligawan po ako." Sabi ko.

Kitang kita ko ang gulat sa mukha nilang tatlo, nang sabihin ko iyon. Mata sa mata kong tinignan si Zedrix. Kitang kita ko rin sa mga mata niya ang paghahamon. Mas lalong lumaki ang ngumiti ng aking ina, si Papa naman ay nagihihintay sa susunod na sasabihin ko.

"Oh!" Si mama. "Describe her."

Wala kang mapipintas kay Stacey kaya perpekto ang tingin ko sakanya.

"Maganda, Matalino, at Talented." Pagmamayabang ko.

"I want to see her." Aniya.

"Kapag sinagot na ako Ma." Sabi ko.

"Mukhang marami ang nagkakagusto diyan sa babaeng tinutukoy mo anak, baka mahirapan ka niyan."

"Hindi naman po ako magpapatalo." Sabi ko.

"Aba dapat lang." Aniya.

"Wala sa dugo natin ang talunan." Si Papa.

"Ikaw Zed? Kailan mo balak magka girlfriend?" Tanong ni Mama kay Zed.

Nag angat ng tingin si Zedrix kay Mama.

"Pag naging successful na po ako ma." Seryosong sabi.

"You're already successful anak." Si Papa.

"I'm not." Seryosong aniya.

"Come on... Anak ikaw ang iniwanan ni Papa ng ari- rian niya!" Hindi makapaniwalang sabi ni Mama. "Pano mo nasabi na hindi ka pa successful?"

"Hindi ko yun pinaghirapan ma. Matatawag ko lang ang sariling kong successful pag natupad na ang pangarap kong maging sundalo." Si Zedrix.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon