♥️Stacey's POV♥️
Parang tanga.
Tss.
Napairap na lamang ako dahil kay Zedrix. Binigay niya sakin ang kanyang coat. Napa iwas pa siya ng tingin dahil pinagtatawanan ko.
"Umupo ka muna ikukuha kita ng pagkain."
Alam kong inutusan ko siyang kuhanan ako ng pagkain pero hindi ko inexpect na susundin niya talaga ako.
Nag ngising aso si Ian habang tinitignan kaming dalawa. Si Edriel naman ay lumapit kay Kai at tinapik tapik ang braso nito.
May lumapit kay Kai at may binulong. Tinanguan niya ito at umalis sa harap namin. Nagtungo siya sa stage kung saan may banda na kumakanta.
"Rin..." tawag sakin ni Minmin.
Nilingon ko siya.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya. Kung kanina nabawasan ng lungkot ang kanyang mga mata, ngayon bumalik na naman ito sa dati malungkot.
Tumango ako.
Pumunta sa harap ko si Zedrix at binigyan ako ng plato.
"Umupo ka." May awtoridad ang kanyang boses.
Binigyan ako ni Minmin ng upuan. Umupo rin sa malaking table sina Yuna. Nang maka upo na ako ay napalinga kaagad ako ng may kumanta mula sa entablado.
Ganon din sina Zedrix.
"Tss pangit ng boses." Bulong ni Zedrix sa sarili.
Magsisimula na sana ang banda sa pagtugtog pero
Biglang naubo si Kai at umalis sa entablado. Nagtawanan naman sina Ian at Edriel."Anong nangyari HAHAHA!" Ani Ian.
"Baka nabulonan?" Si Edriel.
"Akala ko magsisimula na siya HAHAHAH!" Patuloy parin ang kantyaw.
"Tumahimik nga kayo!" Tinampal ni Yuna ang nga braso nito at inirapan.
Si Ruby naman at Shay ay nag-aalalang nakatanaw sa entablado. Nakita namin na binigyan ng tubig si Kai ng mga kasambahay at pinaupo.
Mabilis kong tinapos ang aking kinakain at uminom ng tubig. Kanina pa pala ako tinititigan ni Zedrix. Katabi ko siya ngayon at seryoso akong tinignan.
Kumuha siya ng tissue at binigay sakin."Happy Birthday Brother!" Bati nung maganda at matangkad na babae kay Andrey. Tumayo si Andrey at niyakap ito.
"Salamat ate." Aniya.
"May isa ba sainyong marunong kumanta?" Tanong nito sa kapatid.
Ginala ni Andrey ang paningin at pinalipat lipat ang tingin samin ni Zedrix.
"Si Zedrix at Stacey." Sabi nito sakanyang ate.
Napatingin naman ang ate niya sa gawi namin.
Napanganga siya at lumapit.
"W.O.W" Bilog ang bunganga niya ngayon at pilit akong pinapatayo para suriin ang aking katawan.
"Ang ganda mo!? Sumasali ka ba sa mga pageant?" Tanong nito sakin.
Mabilis akong umiling at kukuha sana ng isang kutsara ng Leche Flan pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Ang ganda ng contact lens mo! Saan mo nabili?" Sinuri niya ang mga mata ko.
"Hindi ako nagsosoot ng ganyan." Seryoso kong sabi sabay sulyap sa Leche flan.

BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...