❤Stacey's POV❤
Pag kadating namin sa School ay hindi ko na narinig ang tilian. Tanging bulung bulungan nalang.
Kaya nagtataka ako. Ang tingin nila saamin ay tila nag didiri at galit. Pero may iba namang tumitili, pero kaonte nalang.Anong nangyari?
Nang makarating kami sa Classroom ay walang makatingin saamin. Namataan ko si Yuna na kumakaway saamin. Lumapit at umupo na ako sa upuan ko at tumingin nalamang sa napakalawak na Sports Center. Kahapon sa Group chat naming mga gymnast napagkasunduan namin na mag jo-jogging kami every wednesday. Kaya nag dala ako ng mga kakailanganin.
"Good Morning Stacey and Stanlee!" maligayang sabi ni Yuna.
"Mmm Morning." tipid na sagot ko.
Mas lumapad ang ngiti niya dahil sa pag sagot ko."Good Morning Yuna!" Maligayang pagbati naman ni Minmin kay Yuna.
"Kanina ko pa napapansin Yuna na pinag bubulungan kami ng mga estudyante dito?" tanong niya."Ummm kasi..." nalilito si Yuna kung sasabihin niya ba o hindi. "Nag post kasi Chamberly sa Social Media niya na..." nag iwas siya ng tingin.
"M-Malandi ka d-daw." sabi niya.
"a-at sabi niya inagaw mo daw si Zedrix sakanya."What?
HAHAHAHAHA
Seryoso ba siya gagawa ng issue para siraan ako?
May proyeba ba siya?Pero bago paman ako mapapikit at damahin ang lamig ng hangin ay may narinig akong padabog na yapak papunta saking gawi.
Tumayo ako at agad naman akong prinotektahan ni Stanlee at tinago sa likod niya laban sa umiiyak at nag dadrama na si Chamberly. Pulang pula ang kanyang mata dahil sa pag iyak.
"Mang-aagaw ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nag break kami ni Zedrix!" pagbibintang niya sakin.
What?
Ang galing naman umarte nito HAHA"Anong bang sinasabi mo! Nag
e-eskadalo ka dito!" galit na sigaw ni Minmin sakanya.Lumapit siya at bumulong saamin.
"Sisirain ko ang mga pangalan niyo hanggang pandirian kayo ng mga estudyante dito at e bully." kami lang ang nakarinig ni Yuna at Minmin nun sa sobrang hina.Ahh kaya pala nag da-drama siya lara ako ang mapagmukhang masama!
"Mang-aagaw ka! Ibalik mo sakin si Zedrix dahil inakit mo lang siya!" sigaw niya with matching Luha.
Dahil napaaga kami ngayon hindi pa dumadating ang sina Zedrix. Sabay sabay kasi sila dumadating.
Umiyak siya ng umiyak hanggang tahanin siya ng iba namin kaklase at tumingin ng masama saakin.
"Walang h-hiya ka sinira mo ang relasyon namin ni Zedr-" natigil siya dahil sa isang malakas na kalabog galing sa pintuan.
Dumating si Zedrix at ang apat. Nag-aalala ang kanilang mukha at mabilis dumalo saakin para protektahan.
"Nababaliw kana ba Chamberly! Anong sinasabi mo! Bakit mo to ginagawa! Sinisira mo yung pangalan nila!" si Zedrix.
"Dahil sa malanding babae na yan nag break tayo!" umiyak na naman siya."Mang-aagaw k-" hindi ko na siya pinatapos.
"Hinding-hindi ako mang-aagaw ng lalaki dahil ang mga Lalaki ang
nag-aagawan saakin." sabi ko ng taas noo. "Ganyan kaba talaga ka desperada?" tumawa ako. "alam mo naaawa ako sayo dahil kailangan mo pang mang sira ng pangalan para lang makaganti sa pag sampal ko sa makapal mong mukha! Hindi ka nga humingi ng tawad kay Yuna, na sinampal mo lang kahit walang ginagawang masama sayo! tapos heto ka ngayon sinisiri mo ang pangalan ko dahil sa pag ganti ko ng sampal sayo?" tumawa ako ng malakas." Napa ka immature mo sa totoo lang at nakakaawa ka dahil ikaw mismo tinataboy ng taong patay na patay
ka." Nagulat silang lahat sa sinabi ko at nakatitig lamang saakin.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...