🌷Stacey's POV🌷
Ako:
Anong kailangan mo?
Zedrix:
Gusto lang kitang batiin.
Ako:
Pagkatapos mo akong batiin, anong sunod?
Zedrix:
Text text tayo.
Ako:
Anong mapapala natin sa text text?
Zedrix:
Hehe.
Anong Hehe? Ewan ko sakanya. Ngayon lang siya nag Good Morning sakin. Hindi ko na siya nireplyan dahil lumapit si Jerome saamin. Kinausap niya si Yuna pero nasa akin ang mga mata. Ewan ko ba rito.
Nilagay ko sa bulsa ang aking Cellphone at tinoon ang atensyon kay Jerome."Stacey nagtatanong lang si Jerome kung kamusta ang routine natin." Nakangiting sabi ni Yuna.
"Okay." Tipid kong sagot.
"Bakit nga pala kayo absent ng friday?" Nahihiyang tanong niya. "Sorry ah ngayon lang ako nakapagtanong. Nahihiya talaga akong lumapit sainyo nitong mga nakaraang araw."
"May naging problema kaya hindi kami nakapasok." Tipid kong sinabi.
"Ahh ganoon ba? Okay, hehe."
Nagtagal pa siya sa kinatatayuan niya. Tumingin na lamang ako sa labas.
Naging maayos naman ang mga nagdaang araw. Mas lalo naming ginalingan sa training para hindi mapahiya sa harap ng maraming tao. Minsan pumapalpak pero mas lamang parin ang tagumpay. Dumating ang araw ng sabado, sa araw na to uuwi sina Minmin. Hindi parin kami nagkausap kaya hindi ko din siya tinanong kung anong oras siya dadating. Hindi niya rin naman sinabi saakin. Hindi ko na dinibdib yun dahil alam kong hindi magtatagal ng tampo niya sakin.
Papaligoan ko si Jexi ngayon. Starting today, e tre- train ko si Minmin na makakita ng pusa. Kailangan niya alisin ang phobia na yan. Binuhat ko si Jexi at pinunta sa banyo. Bumaon ang mga koko niya sa balat ko kaya medyo nailayo ko siya. Nang matapos ko siya paligoan ay kumuha ako ng Blower. Mabilis siya natuyo dahil hindi naman ganoon ka kapal ang balahibo ng pusa kumpara sa ibang aso. Nilapag ko siya sa sahig at binigyan ng Cat Food.
"Meowww."
Ang kyeot.
Shyet.
Bumaba muna ako para kumain. Kahapon inanounce na ang mangyayari sa Lunes. Maraming excited syempre. Wala din kaming pasok sa buong week kaya mas lalong nagdiriwang ang mga estudyante. Mamayang hapon na ako mag e-ehersisyo. Ngayon kasi hinihintay ko kapatid ko na dumating.
"Joh-eun achim Stacey!" Maligayang bati ni Manang. "Ngayon ang balik ni Min diba?" Nasasabik niya tanong.
"Opo." Tipid akong ngumiti. Kumuha ako ng pinggan at nilapag ito sa mesa. Wala kaming lakad ngayon kaya ipina day off namin si Manong. Kumain ako ng kaunti. Hindi ako pwedeng kumain ng sobrang rami dahil baka tumaba ako sa Lunes.
Nung isang araw nga napakain lang ako ng marami ay napansin agad ng coach namin na medyo bloated ako. Inilingan niya ako pero hindi naman siya nagalit. Sinabihan niya lang ako na huwag kumain ng sobrang rami dahil baka hindi ko makilos ng maaayos ang katawan ko sa training. Sinabihan niya rin kami na huwag ring magpagutom dahil baka magkasakit kami at hindi na maka abot sa Lunes.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...