Chapter 39- Ignore

120 12 2
                                    

♥️Stacey's POV♥️


"Rin handa ka na ba para mamaya?" Tanong ni Minmin sakin habang kumakain kami ng almusal.
Lunes ngayon, August 3. Birthday ni Andrey at liliban muna kami sa Training dahil pupunta kami sa
party.

Ito ang ikalawang birthday party na dadaluhan namin ni Minmin ng hindi kasama ang pamilya.
Hindi rin kami nagpapaalam sakanila pag may pinupuntahan kami ni Minmin, alam ko kasing abala sila sa paghahanap at sa negosyo kaya hindi na ako dadagdag. Dalawang buwan at limang araw na simula nung mawala si Siri. Wala parin kaming nahahanap at nawawalan narin kami ng pag-asa.

Sad to say pero pati ako. Napapanghinaan na ako ng loob. Pero lagi ko ring tinatatak sa ulo ko na hanggat walang bangkay ay buhay pa si Siri. Masakit isipin na ganito na ang nasa isip ko ngayon. Hindi ko sinasadya pero kusa talaga nakakagpag-isip ang sarili lo ng mga negatibong bagay.

Araw-araw ko ring tinatanong si Dylan kong anong balita, pero wala akong nakuhang magandang balita tungkol sakanila.

Tinanguan ko si Minmin at nagpatuloy na sa pagkain.

Halatang puyat si Minmin nitong mga nakaraang linggo. Gaya ko ay nag-aalala din siya.

Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako at walang ganang kinuha ang bag. Matamlay ako nitong mga nakaraang araw. Nakakalimutan ko na ding kumain sa tamang oras. Hindi lang talaga mawala sa isip ko ang problemang dala.

Kahit nasa harap ko na ang Leche Flan ay nawawalan talaga ako ng ganang kumain.

"Mas lalo kang pumayat Stacey." Si Manang.

Napalingon ako sakanya.

Sobrang laki na ng eyebags niya at namamaga ang mata. Hindi lang kami ang nagluluksa. Kahit gaano ako katapang ay may kahinaan rin ako.

Mabagal akong naglakad palabas. Hindi narin ako gaanong kinakausap ni Minmin tuwing magkasama kami. Hindi niya na ako tinatanong o tinatawag. Sa tingin ko ako ang mas naapeltuhan sa mga nangyayari. Hindi kasi nagpapalipas ng gutom itong si Minmin, gaya ng dati normal lang ang kain niya. Wala ring pinagbago ang katawan niya.

"Sobrang haggard mo na Min." Panimula ko nang makasakay na kami sa sasakyan.

Napalingon siya sakin at pilit na ngumiti.

Nang paandarin na ni manong ang sasakyan ay binuksan ni Minmin ang bintana at palihim na humihikbi.

Nagbaba ako tingin at gustong maiyak sa nangyayari. Hindi nga lang tumutulo ang luha, ni hindi nga nangingilid ang luha ko. Sobrang bigat ng dibdib ko at inalala ang lahat ng trahedyang dumating sa buhay namin. Una, ang pagkamatay ni Master, pangalawa ang pagkawala ng kapatid.

"H-Hindi ko na kaya." Patuloy parin ang pag buhos ng kanyang mga luha.

Napatingin ako sa labas ng sabihin niya iyon. Mas lalo lang bumigat ang dibdib dahil sa narinig galing sa kapatid.

Tahimik lang si Manong na nakatingin sa daan.

Masakit isipin at masakit sa buong pagkatao.

Nang makarating kami sa Parking lot ng school ay hindi pa muna kami lumabas ng sasakyan. Pinahiran ni Minmin ang kanyang luha at pilit na ngumiti.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon