♥️Stanlee's POV♥️
Hindi na nag text si Rin. Nandito lang ako sa kwarto namin. Sabi ni coach ay si Zed ang lalaban para saakin. Sinusulat nila sa papel ang mga sinasabi nila saakin. Wala akong ginagawa dito ngayon. Hindi ako pwedeng sumama sa laban dahil baka paano ako dun.
🍒FLASHBACK🍒
Kitang kita ko ang pagpapanic nila Ian. Kita ko rin ang kaba sa kanilang mga mukha. Nagbabatukan sila dahil kausap nila ngayon ang kambal ko. Hindi ko siya pwedeng sagotin nang ganito ako, dahil baka magalit lang siya.
Pinagpapawisan na sila kahit naka air-con kami. Kumuha nang tuwalya si Ian para punasan ang butil nang pawis na tumutulo sa
Mukha. Kitang kita sakanyang mukha ang pekeng pagtawa. Nakitang kung may binulong sila kay Ian. Pero tinulak niya lang ito nang mahina dahil sa nakikita kung ekspresyon niya ngayon ay namomoblema siya.Anong sinasabi ni Stacey ngayon? Kung sakaling malalaman niya ang kalagayan ko ay magagalit yun.
Baka sugudin niya ako rito. Takot ako sa kambal ko sa totoo lang.
Nakita kung kinuha ni Zed ang cellphone. Gumagalaw ang kanyang labi kaya nagsasalita na ito ngayon. Nakita ko ang kaba sakanyang mukha. Matagal bago niya binaba ang cellphone at ibinigay saakin.
Kumuha siya nang papel at may sinulat roon.
Tiyaka pinakita kita saakin.Mag text text daw kayo.
Kumalabog nang husto ang puso ko. So alam niya na. Sinabi ba nila na natalo ako!? Ma didismaya yun panigurado!
Nagpaalam na sina Zed na maghanda. Malapit na kasi ang laban nila. Sayang gusto ko talagang sumali. Dahil sa kondisyon kung ito ay hindi ako makakasali ngayon.
Bakit ba kasi may pusa dun!?
Dapat hindi na ako matakot sa pusa dahil baka gamitin nila ito laban saakin. Nang tignan ko ang cellphone ko ay may nakita akong mensahe galing kay Rin.
Stacey:
Hoy bakla bakit ka natalo!?
Ako:
Alam mo na ang dahilan!
Stacey:
Conquer your fear Min! Hindi ka pwedeng maging ganyan palagi! Nakakainis ka!
Ako:
Sorry Rin. Hindi ko talaga na kontrol ang sarili ko. Sinubukan ko pero hindi na talaga ako makakilos. Kaya ako natalo.
Stacey:
Pagbalik mo dito lagot ka saakin!
Ako:
Sorry na Rin.
Hindi na siya sumagot sa huling mensahe ko.
Binuksan ko ang TV. Nilakasan ko ang volume nito dahil hindi ko marinig. Kahit 100 na ang volume ay wala padin ako narinig.Bingi nga pala ako ngayon.
Hinayaan kong ganoon ang TV.
Bahala na nga! Manonood nalang ako kahit wala ako naririnig. Sana may subtitle man lang para alam ko ang mga sinasabi nila. Tumayo ako at pumunta sa binili ni coach kanina na snacks.
Ganito pala kahirap kung hindi ka nakakarinig.
Naaawa tuloy ako sa mga may kapansanan sa pandinig. Ewan ko kung paano nila kinaya. Kahit babalik na ang pandinig ko bukas nalulungkot parin ako sa sitwasyon ko ngayon. Pano na kayo yung hindi na gagaling?
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...