Chapter 8- Zedrix's beating heart

219 11 0
                                    

Zed's POV

Napahiya si Cherry ng sinabi iyon ni Stacey. Yumuko ito at umatras. Kitang kita ko sa mga mukha nila ang pagkapahiya. May binulong yung katabi ni Cherry at mabilis siya tumango. Mabilis niyang iniba ang kanyang ekspresyon at humakbang papalapit kay Stacey.

"Hindi pa tayo tapos." si Cherry.

Ngumisi si Stacey. "Oo hindi pa tayo tapos dahil hindi mo pa na sasagot yung sinabi ko sayo."

Sa inis ni Cherry ay tumalikod nalang siya at naglakad papalayo.

Hinanap ko ang Pusa na hawak hawak ni Stacey kanina. Nakita ko ito sa mga braso ni Kai at naglalambing.
Lumapit si Stacey sakanya at kinuha yung Pusa.

"Maam 128,983 po lahat ng ticket niyo. Ito po ang pinakamalaking amount ng tickets na nabilang ng machine. Pwede niyo po itong ipagpalit ng mga prize. Pumili lang po kayo." ang babae.

Pumunta si Yuna at Stacey sa Counter.
Sumunod nalang kami. Nakapili si Yuna ng Black at Pink na human size teddy Bear. Nang e abot sakanya ang Black na Human size Teddy Bear ng babae ay nahirapan siya dahil mas malaki ito pa ito sa kanya. Muntik na siyang matumba pero dahil sa bilis ng kilos ni Stanlee ay Nahawakan niya ito sa baywang.

"Ummm T-Thank you Stanlee." namula siya.

Halatang halata ito dahil parang gatas ang kanyang mga balat katulad ng kay Stacey.

Na iwas ng tingin si Stanlee.

"Mukhang hindi ko to madadala sa Bahay kaya sayo nalang to Zed." si Yuna. Inabot niya saakin ang Human size Teddy Bear na black. Nginitian ko siya. Ibinigay ng babae ang Pink kay Yuna at nilahad niya ito kay Stacey.

"May hawak akong Pusa." si Stacey. Akala siguro niya na siya ang pagdadalhin ni Yuna dahil hindi nito kaya.

"Ummm hindi ko to ipapadala. Sayo talaga to hehe." Si Stacey na nahihiya.

"Kay Stanlee mo nalang ipadala dahil kung ako ang magdadala niyan hindi ko mabubuhat ang Pusa ko. At Hindi din naman humahawak ang Bakla kung kapatid ng Pusa kaya sakanya mo nalang yan ipadala." si Stacey.

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Stacey na Bakla si Stanlee.

Ibinigay ni Yuna ang Teddy Bear kay Stanlee.

"Hindi ako bakla no!" si Stanlee.

Mas lalo kaming natawa sa reaksyon niya dahil pinipilit niyang tignan ang Pusa kahit naduduwal na siya.

"Sige nga hawakan mo to kung hindi ka nababakla." nanunuksong sabi ni Stacey.

Humagalpak kami sa Tawa. Halos hindi na kami makahinga.

"Maam may natitira pa pong ticket baka may gusto pa po kayong ipag palit." yung babae.

Tiningnan kami ni Yuna. "May gusto pa ba kayong ipagpalit?"

Umiling kami.

Hawak namin ang mga gadgets na nahulog ni Stacey kanina sa isang machine. Labing isa ito. Halos hindi ako makapaniwala na kaya niyang tirahin ng isang subok lang. Noong naglaro kasi ako nun ay naubos kuna ang lahat ng token ko pero hindi ako nakakahulog kahit isa. Mahirap kasi e timing. Pero siya? Isang subok lang, nahulog na ang gadget. Mga mamahaling gadget pa ang nandoon.

May apat na Iphone 6s plus, May isang 7 plus, may tatlong powerbank, at tatlong headphones. Magaling talaga siya sa mga ganito.

May nakita si Yuna na Sports Band para sa ulo. Binalingan niya kaming nakangiti. Ipinagpalit niya ang natitirang tickets para doon. Walo ang kinuha niya at binigyan niya kami nang tig isa isa nun.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon