Chapter 27- Dream

132 11 0
                                    

🌷Stacey's POV🌷

Lumapit ako sa pintuan. Dahan dahan kong binuksan ito. Bumungad saakin ang mukha ni Zedrix. Umirap ako dahil nakangisi niya akong tinignan.

"Ano bang trip mo?" Inis kong tanong.

"Samahan mo kong mamigay ng ulam sa kapitbahay niyo." Nakangisi niya parin akong tinignan.

"Inuutasan mo ba ako?"

"Please..."

"Magpasama ka sa kapatid ko!" Sigaw ko sakanya. "Tutal pareho naman kayong bakla."

Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga. Tumawa ako ng malakas dahil sa reaksyon niya. Nagbaba siya ng tingin at ambang aalis sa harapan ko. Tutal wala naman akong ginagawa dito sasama nalang ako. Para narin makatulong sa bahay.

Nakatalikod na siya saakin kaya lumabas ako ng pinto at binangga siya sa likurang. Nginisihan ko siya ng nilingon niya ako. Kitang kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha kaya mas lalo ang natawa. Naunahan ko pa siyang bumaba dahil sa sobrang bagal niya. Pumunta ako sa lamesa kong saan nakalagay ang mga pagkain na ipapamigay namin sa kapitbahay.

Nakita ko si Minmin sa couch nakaupo at nanonood ng TV. Hindi niya parin ako tinitignan kaya mas lalo natawa.

Napaka OA talaga ng mga lalakeng to.

"Hija anong ginagawa mo?" Tanong ni manang.

"Tutulong po ako sa pamimigay sa kapitbahay." Sagot ko.

"Naku! Okay lang ba?"

Tumango ako at kinuha ang mga ulam. Napatingin ako kay Zedrix ng tumabi siya sakin at kinuha ang iba. Anim ang hawak kong plastic container. Iba ibang ulam ang nasa loob nito.

"Bagay kayong dalawa! Ayiehhhh." Tukso ni manang.

Nagkatinginan kami ni Zedrix. Pinamulahan agad siya ng mukha at mabilis nag iwas ng tingin. Laglag panga naming tinitigan si Manang. Ngitingngiti parai siya at halos tumalon sa sayang naramdaman. Kumunot ang noo ko kaya nawala ang ngiti niya. Bumaling nalang ako kay Zedrix na inaayos ang dadalhin niya. Tinago niya ang kanyang mukha para hindi ko siya makita. Umirap ako dahil napaka arte.

Tinitigan ko siya ng ilang minuto hanggang sumuko siya.

"A-Ano ba!" Sigaw niya sa mukha ko.

Tumawa ako ng malakas dahil namumula siya! Nakakain ba to ng sili? Pinagpapawisan narin ang kanyang noo.

"Nangangasim ka na!" Sigaw ko.

Nag iba ang timpla ng kanyang mukha. Lumayo siya ng bahagya saakin at inamoy ang sarili.

"Hindi naman ah!" Sigaw niya pabalik.

"HAHAHAHA!"

gwiyeobda.

(Cute.)

Kinuha niya ang sampung plastic container. Nauna siyang lumabas ng bahay.

Ano bang nangyayari sa isang yun? Hindi naman talaga siya nangangasim. Biro ko lang yun para hindi siya maging komportable. Kinuha ko na din ang anim na container plastic sa mesa at dinala ito sa labas. Mataray muna akong tumingin kay Minmin bago tuluyang lumabas. Hindi niya ako tinitigan kaya useless din.

Naghihintay si Zedrix sa labas ng gate. Halatang naiinis siya kaya mas lalo ko siyang gustong inisin.
Hindi niya ako tinignan ng makalapit na ako sakanya. Nagulat ako sa bigla niyang pag nguso kaya hindi ko na naman napigilan ang pag tawa ng malakas. Tahimik ang Phase 2 kaya sigurado akong nagambala ko ang mga kapitbahay namin rito. Nauna siyang maglakad palayo saakin dahil siguro hindi niya ana matiis tung ugali ko.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon