Chapter 24- Shine's Bestfriend

121 11 0
                                    

🌷Ruby's POV🌷

Nang matapos kaming magtanghalian ay nagpaalam na kami kina Yuna at Stacey. Mag eensayo silang dalawa kaya kailangan narin naming umalis. Kumaway si Yuna saamin bago tumalikod.
Nasa baba na kami ng Canteen ngayon. Maraming mga estudyante sa paligid kaya sobrang init. Pinagpapawisan narin ako.

Andrey:

Are you done eating?

Ako:

Yes, Ikaw?

Andrey:

Tapos narin. Anong gagawin mo pagkatapos?

Ako:

Pupunta kami ng Book Store ngayon.

Andrey:

Sinong kasama?

Ako:

Kami kang ni Shay.

Andrey:

Ingat kayo please...

Ako:

Oo naman, kayo din diyan.

Andrey:

We will.

Binalik ko na ang Cellphone sa Bag. Lumabas na kami ng Gate. Balak ko sanang magpahatid kami kay manong pero sabi ni Shay yung sasakyan nalang nila ang gamitin namin. Wala naman akong problema roon dahil baka may ginagawa si manong. Hindi kami pupunta ng school library ngayon dahil bibili kami ng mga bagong librong babasahin.

"Ruby, kami nalang ang maghahatid pauwi sayo mamaya para hindi ka na maghintay sa driver niyo."

"Sige salamat Shay." Nginitian ko siya. Binuksan niya ang pinto at pinauna akong pumasok. Bababa na sana ang driver nila pero nakapasok na si Shay. Nagkamot ito ng ulo at nginitian kami.

"Saan po tayo pupunta maam?" Tanong niya.

"Sa Books Store po manong." Magalang na sabi ni Shay.

Ngumiti ang driver nila at pinaandar ang sasakyan.

Ako:

Huwag niyo na po akong sunduin mamaya manong dahil ihahatid ako nila Shay pauwi. Bisitahin niyo na muna ang anak niyo sa ospital. Kung kailangan niyo po ng pera ay sabihan niyo lang po ako.

Manong:

Okay lang po ba maam? Maraming salamat po. Mag ingat po kayo sa byahe. Sasabihin ko po sainyo maam kung kailangan ko po ng pera.

Ako:

:)

Nang makarating kami sa Book Store ay gumapang agad ang exitement saakin. Gusto ko nalang dito tumira para magbasa habang buhay. Nakangiti kaming pumasok roon ni Shay. Kumuha ako ng basket para doon ilagay ang lahat ng bibilhin. Nagkahiwalay pa kami dahil sa sobrang laki. Hinanap ko agad ang librong gustong gusto ko.
Habang hinahanap ko yun ay marami akong nakitang magandang libro kaya nilagay ko sa basket.
Malapit nang mapuno pero hindi ko pa nakikita iyon. Nagtanong ako sa sales lady pero ang sabi niya out of stock na talaga. Lumaylay ang balikat ko sa narinig.

"Ruby wala rin akong nahanap." Malungkot na sabi ni Shay ng magkasalubong kami roon.

"Ako nga rin." Yumuko ako sa lungkot. "Babalik nalang siguro ako sa susunod baka meron na." Gumuhit ang pag-asa saakin, alam kong mabibili ko rin ang librong iyon. Maraming nagsasabi na iyon ang pinakamagandang libro na naisulat ng manunulat na gusto ko. Lahat naman talaga ng naisulat niya ay maganda. Kating kati na akong mabasa yun. Naghanap pa kami ng ibang libro para sa school dahil sobrang rami na ng nabili naming nobela.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon