♥️Stacey's POV♥️
What's her problem?
Nawawalan na ako ng pasensya. Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at tinignan siya ng seryoso. Matalino ka Shay pero sa oras na to hindi mo ginamit ang utak mo.
Tumayo ako at umalis dun.
Ayokong lumaki ang away namin kaya ako nalang ang lalayo.
"Hello?"
Tinawagan ko agad si Dylan nang makarating ako sa dalampasigan. Nandito ako ngayon sa Bonbon Beach. Wala gaanong tao kaya mas naisipan kong dito nalang muna tumambay. Kapag tumawag na si Sunshine na nandon na siya sa bahay nina Ruby ay aalis na ako dito. Nag commute ako dahil baka maabala ko si Manong sa mga ginagawa niya ngayon.
"Pwede bang pagtuonan mo ng pansin ang pag i-imbestega kay Shay? May napansin ako sakanya."
Somethings fishy.
"Sige po." Masunuring sinabi ni Dylan. "Kumain ka na po ba?" Tanong niya.
Hindi pa.
"Oo tapos na." Sagot ko.
"Mabuti naman p-"
Pinatayan ko na siya. Binulabog ng malakas ng ihip ng hangin ang aking nanahimik na buhok.
Nawalan ako ng gana dahil sa mga sinabi ni Shay. Hindi ako yung tipo ng tao na madaling naaapektuhan, medyo na dismaya lang ako sa pinakita niyang ugali.
Bumuntong hininga ako.
Sobrang tahimik ng paligid. Kalma lang din ang dagat.
"You have to eat."
Napatalon ako sa gulat ng may narinig akong nagsalita sa likod. Tumayo ako nilingon ito.
Si Zedrix.
Hindi na siya naka uniform ngayon. Naka black t-shirt siya at naka khaki pants. Lalakeng lalake ang dating niya at mas lalo lang siyang gumwapo dahil sa buhok niyang nilipad ng hangin.
"Busog ako." Sagot ko.
Humakbang siya papalapit sakin.
"Hindi ka kumain kanina." Aniya.
"Tss" Inirapan ko siya at maarteng tinalikuran. "Ano bang pake mo? Hindi ikaw ang magkakasakit."
"May pake ako." Aniya.
Para akong kiniliti dahil sa sinabi niya. Bigla nalang akong napangiti at napairap. Nag-iwas ako ng tingin para hindi niya makita ang nakangisi kong mukha.
Weird feeling.
"Hey! Who are you looking at?" Tanong niya.
Gulat ko siyang nilingon?
"May nakita ka bang tao ha?" Natatawa kong tanong.
Umiling siya. "Why aren't you looking at me?"
"Magtagalog ka kung gusto mong magpatuloy tong pag-uusap natin."
"Sige." Aniya. "Saan ka pupunta pagkatapos nito?" Tanong niya.
"Alam mo na." Seryosong sabi ko.
"Pwede sumama?"
Inis ko siyang nilingon. "Pwede ba!? Pumunta ako rito dahil gusto ko ng katahimikan! Tanong ka ng tanong!" Inis kong sinabi.
"Baby I'm sorry." Aniya.
The word baby. Kumalabog ng husto ang aking dibdib at seryoso siyang tinignan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na to. Alam ko sa sariling kong kinakabahan ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...