♥️Stacey's POV♥️
Sumunod kami sakanya dahil ngayon lang namin napagtanto na masiyado kaming nagtagal roon. Walang nagsalita ni isa saamin ng nasa loob na kami. Nagpakawala ako ng buntong hininga.
"Min." Sambit ko sakanya ng makalabas na kami sa elevator.
"Yes." Bumaling siya saakin.
"Sinong may gawa niyan sa mukha mo?"
"A-Ahahha HAHAHA." Pilit niyang tawa. "W-Wala! Aksindente lang! HAHAHA."
"Plastik."
"Hindi ah!" Umiiling iling pa siya.
"Ituro mo bukas ha."
"Ano ka ba! Aksidente nga lang."
Inirapan ko na lamang siya. Nang pumasok kami sa Condo ay napatalon agad sa gulat si Andrey, Edriel at Ian. Tumakbo sila saamin para umakap pero pumunta ako sa likod ni Minmin, kaya si Yuna lang ang nayakap nila. Ginala ko ang paningin, malaki ang Condo na tinitirahan nila. Talagang pinatirhan talaga ang hotel na to para sa athletes. May limang Bed pero isang banthroom lang ang nakikita ko. Malaki din ang kitchen at sala nila. May malaking TV rito at Speaker.
"Ba't kayo andito?" Tanong ni Ian saamin.
"Ayaw mo ba?" Mataray kong sabi.
Humagalpak sila sa tawa. "Hindi naman pero diba bawal ang hindi athletes dito diba?"
Nagtawanan na naman sila. "Walang makatanggi kay Stacey Ian!" Pagmamalaki ni Yuna.
"Kumain na muna kayo! Halika!"
Bakit maraming pasa ang tatlong ito? Hindi naman sa sobrang laki pero makikita talaga siya pag sobrang lapit na. Ganoon ba ka tindi ang laban nila?
Marami din akong nakikitang pasa kay Zedrix nung nakita ko siya kanina. Dala ko nga pala ang Leche Flan ngayon. Ayaw ko mang may kasama na lalake sa iisang kwarto ay wala nadin akong pagpipilian. Malaki ang tiwala ko sakanila at nandito naman si Minmin kaya okay lang din.Napagkasunduan namin na tabi kami matutulog ni Yuna sa higaan ni Minmin. Si Minmin naman ay tatabi kay Zedrix. Nilagay namin sa kama ang dala naming kaunting bag.
"Andito na ang pagkainnn..."
Napalingon agad ako sa lalakeng kakabukas lang ng pintuan dala ang napakaraming pagkain. Medyo nagulat siya ng makita kame pero iniwas din niya ang tingin saamin. Sinalubong siya nina Ian at Andrey. Nilapag nila sa lamesa ang mga pagkain saka binuksan at inihanda. Nagbihis na din kami ni Yuna sa Bathroom dito. Naka soot ako ngayon ng Dark Green Pajama at Dark Green Hoodie. Pinili kong maging ganito ang soot dahil napapaligiran ako ng mga lalake. Ayokong mag soot ng mga sando at shorts kapag may lalake, nararamdaman ko kasi ang titig nila which makes me uncomfortable.
Nag sosot ako ng shorts at sando sa Training pero hindi lang naman ako ang babae dun na ganoon ang soot kaya okay lang saakin. Medyo protective ako sa sarili ko sa totoo lang. Mas madalas ang pag sosoot ko ng leggings kaysa sa Shorts tuwing nag eensayo.
Umupo ako sa tabi ng aking kapatid at nilapag ang paper bag na ibinigay saakin kanina. Naramdaman ko ang titig nila kaya bumuntong hininga ako. Tumabi si Yuna kay Andrey. Ang coach naman nila ay tahimik lang. Nagsimula kaming magdasal bago kumain. Niliitan ko lang ang kanin ko dahil may Leche Flan pa akong kakainin.
"Kamusta ang laban?" Tanong ni Kai.
"Talo kame." Malungkot na sabi ni Edriel.
"Okay lang yan. Huwag kayong ma pressure! Marami pang dadating na laban kaya mag pag asa pa!" Sabi ng coach nila.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...