Chapter 58- Harana

95 7 0
                                    

♥️Stacey's POV♥️

Nagising ako ng mga pasado alas singko. Wala na si Zedrix sa kinahihigaan niya kaya tumayo kaagad ako at tinali ang buhok. Nag mouth wash muna ako at inayos ang mukha, kinuha ko ang aking selpon at Airpods bago lumabas.

Nadatnan ko siya na nag-aayos ng pagkain namin.
Nang namataan ako ay umayos siya sa pagkalatayo.

"Mornin'." Aniya.

Tumango ako at lumapit sa hinanda niya. Kahit naka hoodie ako ay ramdam ko parin ang lamig. Preskong hangin lang ang nalalanghap ko at magandang tanawin lang ang nakikita.

"Try this."

Tumango ako at kinain ang tinuro.

Umuwi na kaagad kami pagkatapos kumain. Marami pang pwedeng puntahan sa Mapawa pero tinawagan kasi ako ni Minmin. May emergency daw, hinatid naman ako ni Zedrix sa bahay kaya wala naman naging problema. Hindi narin siya tumuloy dahil kailangan niya na ring umuwi.

Nang makapasok ako sa bahay ay halos lumabas ang mata ko sa gulat.

"Anong nangyari dyan sa mukha mo!?" Nag-aalalang tanong ko kay Dylan.

Nag-iwas siya ng tingin. Putok ang labi niya at may hiwa ang mukha. "Sagot!"

Nagpunta kami sa kwarto ni Minmin. Gaya ng parati nilang ginagawa ay tinitignan na muna nila ang mga sulok ng kwarto.

"Nag punta ako sa mansyon ng mga Medina." Aniya.

"Oh bakit ganyan ang naging mukha mo?" Iritado kong tanong.

"Nahuli ako habang sinusubukang pumasok." Aniya.

"Tangek! Ba't ka nagpahuli!?" Sumigaw si Dorothy sa inis. Nilapitan siya ni Darryl para pakalmahin.

"Kamusta ang pag-iimbestega kay Yuna?" Tanong ko.

Umiling siya. "Walang kinalaman ang pamilya nila." Aniya.

"Pati din yung Ruby." Ani Darryl.

Tumango ako.

Ginamot ko ang mukha ni Dylan na parang nasagasaan. Sermon ang inabot niya kay Dorothy. Ako na ang naingayan kaya hindi ko napigilan sigawan siya. Hindi narin nagpunta si Minmin sa Campus.

Tahimik din ang GC namin kaya nagtaka kaagad ako.

"Pumunta ka ng school kahapon Min?" Tanong ko.

"Yes." Simpleng sagot.

"Bakit ang tahimik ng GC?" Kunot noong tanong.

"I don't know, kami lang din ni Yuna ang nagkita kahapon."

"Saan ang iba?"

"Hindi ko alam, hindi rin naman ako nagtanong."

Tumango ako.

Natapos ang araw na yun at dumating biyernes.

"Stacey!" Tinawag ako ni Ruby.

Ayon na naman ang titig ni Zedrix sakin. Bakit pakiramdam ko may kasalanan ako sakanya?

"Morning." Bati ni Minmin.

Lumapit si Zedrix sakin kaya napatingin si Minmin rito.

"Asan si Kai?" Tanong niya.

Nag kibit balikat si Zedrix. "I think kasama ni Shay." Sagot niya.

"I miss the old her."

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon