Chapter 54- Booth

114 12 2
                                    

♥️Yuna's POV♥️

Hindi ko alam kung sino ang bet ko kina Shay at Stacey dahil pareho ko silang kabigan. Hayss
Pinagpapawisan na ako habang naghihintay sa magiging resulta! OMG! Kinakabahan talaga ako!

"Candidate number 12!"

Napatalon ako sa saya nang marining ang numero ni Stacey! Masaya ako para sa kanya pero malungkot ako para ka Shay. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon dahil sa resulta!

Pero nang tignan ko si Stacey ay napangiti ako at napatalon sa excitement! Siya ang unang naging kaibigan kong tapat kaya masaya ako noh! Syempre!

Napayakap ako sa katabi ko sa sobrang tuwa. Nagtalunan din ang mga taga sports class dahil sa saya.

Ang ganda naman kasi ng sagot niya! Huhu!

Gusto kong sumali sa mga ganyan pero sa tingin ko hindi ako aabot sa final. Pero kung Values at life questions ang ibabato sakin kaya ko naman yung sagutan.

Nagkatinginan kami ni Stanlee. Kumalas ako sa pagkakayakap dahil sa hiya.

OMG nakakahiya! Siya pala ang katabi ko syet!

Binalik ko ang tingin sa entablado. Nilagyan na ng sash, crown, trophy si Stacey. Ang ganda niya sa gown promiseeeee. Kahit hindi niya ako sinasama sa mga practice nila ni Sunny kitang kita ko ang pagbabago ng lakad niya.

Huhu bagay na bagay sakanya ang gown, naiiyak tuloy ako tuwing nakikita ko siya. Kumaway ako sakanya pero hindi niya yun napansin dahil kay Zedrix siya nakatingin.

Psh Ayieeeeee...

Gusto ko sanang mag tukso pero baka magalit yan sakin.

So proud of herrrrrrrrrrrr

Nagkakagulo ang audience kaya nahirapan kaming bumaba. Inalalayan ni Zedrix si Manang kasama sina Ian at Edriel. Ako naman ay ummm inalalayan ni Stalee. Ehemmm! Gustong gusto nga pala siya ng Mayordoma namin.

Nung bumisita siya sa mansyon para maging tutor ko ay parang the flash ang Mayordoma namin. Kuha siya ng kuha ng snacks at hinahatid sa library. Palagi din niyang tinatanong kung okay lang ba si Stanlee, kung kumportable ba siya at kung anong gusto nitong kainin.

Naging hangin nga lang ako.

"Congrats!" Kumaway kaway ako kay Stacey kahit nasa malayo palang kami. Maraming gustong lumapit sakanya at mag pa picture kaya mahirap talagang makalapit. Pero nagulat na lamang ako nang makitang nasa likod niya na si Zedrix

"Mm?" Napa lingon ako kung saan nakatayo si Zedrix kanina. Nasa gilid lang siya kanina ni Manang at naka protekta, ngayon nasa likod na ni Stacey naka bantay.

Yieeeee...

Nawala ang ngisi ko nang makita si Shay sa malayo.
Nakatayo lang siya kasama ni Kai at umm? Naiiyak sa galit? Hala! Mukhang galit siya!

"Stanlee puntahan mo muna si Stacey, kay Shay muna ako." Paalam ko. Iniwan ko siya sa Ere at sumuot suot sa mga tao. Halos mapiga ako dahil sa sikip pero sinubukan ko talaga huminga. Muntik na akong matumba pero may sumalo sakin.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon